^

Para Malibang

Malungkot ang nag-iisa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay hiwalay sa asawa. Sumama sa ibang babae ang mister ko. Mayroon akong munting karinderya na pinagkukunan ko ng ikabubuhay naming mag-iina. Karamihan sa mga kumakain sa karinderya ko ay mga jeepney at tricycle drivers. May masugid na nanliligaw sa akin sa mga driver na ito. Kung minsan, naiisip ko na malungkot ang nag-iisa at walang katuwang sa buhay. Pero kasal ako sa aking asawa. Iyan ang nagiging hadlang kung bakit ayaw kong mag-asawa muli. Ano ang maipapayo mo sa akin? - Baby

Dear Baby,

Sa ilalim ng Family Code pwedeng mapawalang-bisa ang iyong kasal sa iyong asawa dahil sa marital infidelity. Pero syempre may katumbas na halaga ang pagproseso niyan. Pero bago ka sumuong sa panibagong relasyon, dapat tiyakin mong tapat ang hangarin sa’yo ng iyong manliligaw at hindi ka lolokohin lang. Kilalanin mo munang mabuti ang kanyang pagkatao at huwag agad pairalin ang nararamdaman ng puso. 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with