^

Para Malibang

Mga taga-Hong Kong pakipot sa mga regalo

Pang-masa

Nakakatuwa ang bigayan ng regalo sa bansang Hong Kong. Alam n’yo ba na may “pakipot” epek pa sila na nakaugalian? Bago kasi nila tanggapin ang isang regalo, tinatanggihan nila ito ng makalawang beses. Kaya hindi ibig sabihin na kapag umayaw sila ay ‘di nila gusto ang inyong regalo. Tandaan, hanggang dalawang beses silang tumatanggi bago nila ito tanggapin.

Kung naimbitahan naman sa isang bahay, mainam na magdala ng magandang klase ng sweets, bulaklak o kaya’y imported na alak. Huwag na huwag namang magbibigay ng pula o puting bulaklak.

Ang orasan, panyo at straw sandals naman ay naiuugnay sa mga funeral, kaya ‘wag din magbibigay ng ganito. Gold at pula ang pinaniniwalaan nilang mga suwerteng kulay kaya sa ganitong kulay lang magbalot ng mga panregalo. Iwasan ang mga wrapper na kulay itim, puti, at asul. Mas napapansin din nila ang magandang gift wrapping.

Maaari namang magbigay ng mga regalo sa bata, huwag lamang kulay berdeng sumbrero. At tandaan na palaging mag-abot ng regalo gamit ang dalawang kamay.

Kung ikaw naman ay makatatanggap ng regalo, huwag agad itong bubuksan sa harapan ng nagbigay sa iyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with