^

Para Malibang

Tumigil sa pag-aaral para makipag-live-in

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin nyo na lang po akong Aryan, 16. Tumigil po ako sa pag-aaral dahil nakipag-live-in ako sa boyfriend ko. Pinalayas po ako ng aking mga magulang. Estud­yante rin ang bf ko at nakatira kami sa kanila. Hindi sila mayaman at laging naaaburido ang kanyang nanay at pinariringgan ako madalas na parang pabigat ako sa kanila. Ang bf ko naman ay walang trabaho at natigil din sa pag-aaral. Mayroon silang maliit na karinderya at kaming dalawa ang pinagbabantay. Nagsisisi ako ngayon. Na-realize ko na walang kahihinatnan ang aming pagsasama. Limang buwan na kami at pasalamat ako na hindi pa ako nabubuntis. Gusto ko na pong tapusin ang aming relasyon. Tama po ba ito?

Dear Aryan,

Tama ang kasabihan na “experience is the best teacher”. Ibinibigay muna ang mahirap na pagsusulit bago ka matuto. Sa kaso mo, kinailangan pang sumuot ka sa ganyang buhay bago mo malaman na mali pala ang ginawa mo na iyong pinagsisisihan. Hindi na puwedeng burahin ang nangyari na pero maaari mong iayos ang iyong buhay. Tama ang balak mo kung tatapusin mo na ang relasyon mo sa iyong kinakasama. Mag-usap kayo at magbalik ka sa iyong mga magulang at sabihin ang iyong matinding pagsisisi.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

DEAR ARYAN

DEAR VANEZZA

ESTUD

IBINIBIGAY

LIMANG

MAYROON

STRONG

TAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with