^

Para Malibang

Pinaglalaruan ng GF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang John, 22. Ang problema ko ay tungkol sa gf ko. Nahihirapan na kasi ako sa relasyon namin. Magdadalawang taon na kaming mag-on pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang kanyang ugali. Kapag dumadalaw ako sa bahay nila ay ok naman. Gusto ko sana siyang makasama sa labas dahil ni minsan ay hindi pa kami nakakapag-date na kami lang. Hindi ko alam kung natatakot siya o ikinahihiya niya ako. Isa pa, kapag nagkakasalubong kami sa labas ay parang hindi niya ako kakilala. Hindi ko po siya maiwan dahil siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Ano pong gagawin ko?

Dear John,

Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ka niya kakilala kapag nagkakasalubong kayo sa labas. Makipaglinawan ka sa kanya. Tanungin mo ang dahilan kung bakit ganyan ang asal niya sa ‘yo. Masyadong matagal ang dalawang taon at wala kang katiyakan kung mahal ka niya talaga o pinaglalaruan lang. Tandaan mo rin na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa pagsama ng babae sa ‘yo sa isang date. Bata ka pa at malayang umibig sa iba. Hanapin mo ang tunay na pag-ibig habang binata ka.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

ANG

ANO

BATA

DEAR JOHN

DEAR VANEZZA

HANAPIN

HINDI

ISA

ITAGO

KAPAG

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with