^

Para Malibang

2 lalaki sa aking puso

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ang problema ko po ay tungkol sa dalawang lala­king nagpapatibok ng aking puso. Si Leo po ang una kong minahal simula pa noong high school kami. Na­ging masaya ang aming pagsasama pero nakipag-break din ako sa kanya. At dito nanligaw sa akin si Aries na ginamit ko para malimutan ang sakit ng paghihiwalay namin ni Leo. Hanggang ngayon ay kami pa rin ni Aries pero nanligaw ulit si Leo at sa hindi maipaliwanag ay sinagot ko siya. Bagay na hindi ko pinagsisihan. Mahal ko silang dalawa. Dapat ko bang ipagtapat sa kanila na dalawa sila sa puso ko? Hindi kaya nila ako iwanan at saktan sa bandang huli? - Gemini

Dear Gemini,

Kapag nagkabukuhan ay malamang pareho silang mawawala sa buhay mo. Hindi ka puwedeng mamangka sa dalawang ilog. Dapat pakasuriin mo silang dalawa kung sino ang mas matimbang at nakakaangat ng kata­ngian at yun ang piliin mo. Hindi puwedeng sabay. Ilagay mo ang iyong sarili sa kanilang sitwasyon, papayag ka bang maraming babae ang lalaking minamahal mo? Siyempre hindi.  Natural na masasaktan ang sinumang hihiwalayan mo pero mabuti nang mangyari iyan habang maaga para mas madaling maghilom ang sugat.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGAY

DAPAT

DEAR GEMINI

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HINDI

ILAGAY

SI LEO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with