^

Para Malibang

GF ko, ex ng bff ko

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

My name is JP, 21. Mayroon akong gf ngayon at 2 weeks pa lang kami. Ang problem ko, dati siyang gf ng best friend ko. Since elementary, best friend ko na siya at hindi pa kami nag-aaway. Para kaming magkapatid. Kung minsan sa amin siya natutulog at ganun din ako. Ang dyowa ko ang unang nakipag-break sa best friend ko at may dalawang buwan na silang wala. Alam kong love na love ng kaibigan ko ang gf ko. Naglasing nga siya ng mag-break sila. Up to now, wala pa siyang iba. Kapag tinatanong ko siya kung bakit, sabi niya hopeful pa rin siya na magkabalikan sila. Nakokonsensiya tuloy ako. Sikreto pa ang aming relasyon. Natatakot kasi ako na baka masira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman niya. Baka kasi isipin niya na ako ang dahilan bakit siya kinalasan. Anong gagawin ko?

Dear JP,

Be man enough to tell your friend. Walang masama kung nakuha mo man ang dati niyang minamahal. Hindi ka naman nanulot. Naging gf mo ang ex niya matapos ang halos 2 mos. ng kanilang break-up. Pero timbangin mo muna kung ano ang mahalaga sa iyo. Ang iyong friendship ba o ang relasyon mo sa gf mo? If you truly love the girl, you have to face the consequence kung magagalit man sa iyo ang best friend mo. You cannot have the best of both worlds. Iba ang pagmamahal sa kaibigan at pag-ibig sa kasintahan. Gumawa ka ng evaluation sa iyong sarili. Willing ka ba na i-sacrifice ang friendship n’yo for so many years kapalit ng pag-ibig mo sa ex niya? Pero marahil naman ay mauunawaan ka ng kaibigan mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALAM

ANG

ANONG

DEAR VANEZZA

GUMAWA

KAPAG

MAYROON

NAGLASING

NAKOKONSENSIYA

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with