^

Para Malibang

Sandaang mumunting halimaw (23)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HU-HU-HU-HUU!” Pinatay ng mga halimaw si Mommy, Dad! Sobra na pong kalupitan ito!” Wasak na wasak ang puso at damdamin ni Miggy o Miguel.

Hindi niya matanggap na namatay nang walang kalaban-laban ang ina. “Ihulog mo na lang po ako sa hukay ni Mommy, Dad! Sasamahan ko na lang siya sa kabilang buhay!”

“Magpakahinahon ka, anak. Hindi gugustuhin ng mommy mo na walang mangyayari sa iyong buhay. You are too young para mamatay na. You must fight! Laban!”

Pinigil ng mabait na binata ang pagluha. “Ang plano po sana ni Mommy, puntahan ang babae sa batis. Pakiusapan na huwag akong isama sa sumpa...”

Humugot ng malalim na hininga ang ama. “Iyan mismo ang gagawin ko, Miguel. Ituturo mo sa akin ang kinaroroonan ng babaing ‘yon. Kung kailangan kong makiusap, handa kong gawin.”

“P-Pero, Dad... hubo’t hubad nga po siya mulang ma-rape nina Max, Marko, Brendon at Primo.

“T-Tayo po ay mga lalaki na... natutukso...”

Napalunok ang ama. Weakness pa naman niya ang mga babaing hubad, kita ang lahat-lahat.

Hinango ng ama ang bagong lutong bibingkang itlog. Saka walang babalang ipinaamoy iyon sa mga halimaw na 99 na lamang.

Sa panggigilalas ng mag-ama, ang mumunting halimaw ay nawalan ng malay, naging unconscious.

“Dad, epektibo! Nakatulog ang mga halimaw! Hindi na muna ako makakagat!”

HANGGANG sa mailibing ang ina ni Miggy, ang amoy ng bibingkang itlog ay naging pampatulog sa 99 na halimaw. (Itutuloy)

vuukle comment

BRENDON

HINANGO

HUMUGOT

IHULOG

ITUTULOY

ITUTURO

IYAN

MIGGY

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with