^

Para Malibang

Huwag puro kapintasan ang tingnan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay 31 anyos at single pa hanggang ngayon. Tatlo na ang naging bf ko pero lahat sila ay may kapintasan kaya hindi nagtagal ang aming relasyon. Ang unang bf ko ay mabait pero sunud-sunuran sa magulang at walang sariling disposis­yon. Ang pangalawa ay masipag at mabait pero kuripot. Pag kami’y nagdi-date, dinadala lang ako sa mumurahing fast food. Sa pangatlo kong naging bf ay isa lang ang maipipintas ko. Maalalahanin siya, mapagmahal at may kaya sa buhay. Pero kapag nakasal na raw kami ay hindi puwedeng pumisan sa amin ang aking ina na matanda na. Gusto raw niya ng privacy. Dahil sa sinabi niya ay agad akong nakipag-break. Ngayon ay may nanliligaw muli sa akin pero ayaw ko muna siyang sagutin at baka may makita akong kapintasan sa kanya. Natatakot naman akong tumandang dalaga. Ano ang gagawin ko? - Mayeth

Dear Mayeth,

Ang hinahanap mong lalaki ay perpekto. Tingin ko ay wala kang matatagpuang ganyan. Lahat ng tao ay may kani-kaniyang kapintasan. Kahit ikaw mismo ay may kapintasan kung titingnan mong mabuti ang iyong sarili. Kaya kung may manliligaw sa iyo, tingnan mo ang kanyang magandang katangian at huwag yung puro kapintasan ang napapansin mo.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR MAYETH

DEAR VANEZZA

KAHIT

KAYA

LAHAT

MAALALAHANIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with