^

Para Malibang

Sino ang pipiliin?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Dalawa po ang boyfriend ko na parehong mabait. Yung una ay mahal ko at mahigit na kaming one year pero ayaw sa kanya ng pa­rents ko dahil mahirap lamang daw. Yun pong isa ay sinagot ko rin dahil naaawa ako sa kanya. Kahit alam niyang may bf ako, payag siyang dalawa sila sa akin. Kapag nagkakasabay silang pumunta sa bahay ay pinababayaan niyang mag-usap kami ng una pero nakokonsensiya po ako. Alam kong darating ang panahon na kailangang mamili ako sa kanila. Ano po ba ang dapat kong sundin, ang puso ko o mga magulang ko? Sino po ba sa kanila ang dapat kong pag-ukulan ng pagmamahal? - Yaris, 17

Dear Yaris,

Hindi mo na dapat sinagot pa ang pangalawang bf mo dahil may nobyo ka na. Ang pakikipagrelas­yon ay hindi dapat dahil lang sa awa. Nagkaroon ka tuloy ng sakit ng ulo na ikaw din ang may gawa. Bata ka pa at sa halip ginugulo ang isip sa dalawang bf ay mas bigyan ng atensiyon ang pag-aaral. Ang pag-ibig ay lumilipas at marami ka pang makikilala kaya hindi ka dapat nagmamadali. Mabuting kila­lanin mong mabuti ang kanilang pagkatao at tunay na intensiyon sa’yo bago mo sabihing isa sa kanila ang mahal mo at karapat-dapat piliin. Makinig ka rin sa payo ng iyong mga magulang dahil hangad lang nila ang kabutihan mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ALAM

ANO

BATA

DALAWA

DAPAT

DEAR VANEZZA

DEAR YARIS

KAHIT

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with