^

Para Malibang

‘Spoiled’ ang mga anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong biyuda. Sa maliit na pension ko na lang ako kumukuha ng pang araw-araw na gastos sa bahay, pagkain at gamot sa sakit ko. Apat ang anak ko, tatlo ay may asawa na at isa ang kapisan ko na binata pa rin. Kaya lang, kahit nakatapos siya ng kolehiyo walang matagalang trabaho. Mara­ming reklamo at mas gusto pang maging tambay kaysa magtiyaga sa trabaho na mababa ang sahod. Ang tatlo naman, bagaman hiwalay na sa akin ay wala nang ginawa kundi manghingi rin ng pera kasi kulang daw ang kanilang sahod sa gastusin sa pagpapaaral ng anak, pagpapagamot kung maysakit ang baby at iba pang gastusin. Nasanay sila noong nabubuhay pa ang kanilang ama na mayroon pang suporta galing sa amin. Pero wala namang naiwang pera ang kanilang ama dahil napuntang lahat sa pagpapagamot niya sa sakit na cancer. May kapatid ako sa US na hinihingan ko para sa kaunting gastusin sa pagbili ng aking gamot at medical check-up. Pero nagrereklamo na rin dahil pati mga anak ko natututo na rin manghingi sa kanya. Hindi ko po alam kung saan ako nagkamali. Kung sa pagpapalayaw sa aking mga anak o dahil sa pagiging bukas palad ko sa ibang mga kapatid noong panahong maluwag pa kami sa pera noong buhay pa ang aking asawa. Ngayon sa aking kakapusan, damdam ko ay pinagdadamutan nila ako. Payuhan mo po ako. Naiiyak din po ako kapag tinatawag ng mga kapatid ko na mga tamad at spoiled brat ang aking mga anak. - Deming

Dear Deming,

Hindi mo masisisi ang mga kapatid mo kung nanghihinawa na rin sila sa pagtulong dahil hindi lang ikaw ang kanilang dinadamayan kundi pati mga anak mo. Hindi mo na rin obligasyon ang magsustento dahil kung tutuusin, mga anak mo na ang dapat kumalinga sa iyo. Kausapin mo ang iyong anak na binata na nakapisan sa’yo na kailangan niyang magseryoso sa trabaho dahil hindi na kayo puwedeng umasa sa tulong ng iba. Gayundin, ang mga anak mong may pamilya na ay kausapin mong huwag ng humingi pa ng ayuda sa inyong mga kaanak. Dapat nilang pagsikapan na maitaguyod ang kanilang pamilya dahil ‘yan ay kanilang obligasyon bilang mga magulang.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANAK

APAT

DAHIL

DEAR DEMING

DEAR VANEZZA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with