^

Para Malibang

Ligtas na pag-aalaga ng hayop (1)

Pang-masa

Karaniwan na sa bata ang pagkahilig nito sa pet o alagang hayop. Kaya lang minsan ang mga magulang lalo na ang mga mommies ay hindi sila pinapayagan mag-alaga ng anumang hayop dahil sa pangambang maaa­ring magkaroon ng aksidente o mga bagay na hindi inaasahan habang nag-aalaga ang mga bata ng hayop gaya ng makagat sila o mahawahan ng kung anong sakit mula sa hayop. Ngunit may pagkakataon naman na hindi mo mapigilan ang bata na gawin ito. Kaya para magkasundo na lang kayo ng iyong anak, dapat na bigyan na lang siya ng mga tips na dapat niyang tandaan gaya ng mga sumusunod:

Alagaan ang “pet” o hayop sa tamang paraan – Maraming bata ang kadalasang nakakagat ng kanilang alagang hayop sa loob mismo ng kanilang bahay, particular na kung aso ang inyong pet. Pero, kung tuturuan mo siya paano makikisalamuha at aalagaan ang ganitong uri ng hayop, tiyak na magiging ligtas siya sa anumang oras. Bago mo ipagkatiwala ang aso sa iyong anak ipakita mo muna sa kanya kung paano hahawakan, tatalian, pakakainin, bibigyan  ng tubig ang aso. Bilinan din ang bata na hindi dapat hinahawakan ang ganitong uri ng hayop sa ulo, buntot at bibig. Hindi rin dapat na hinihila ang anumang hayop sa anumang bahagi ng katawan nito, lalo na sa tenga at buntot. Dapat din na alam ng iyong anak ang ugali ng inyong aso. Halimbawa, ang masayang aso ay makikita mong sumasayaw ang kanyang buntot. Dapat mo naman layuan ang isang aso kung makikitang umuungol, nagngangalit ang ngipin, kumakahol habang nakaatras at nakataas ang lahat ng balahibo nito. Indikasyon kasi ito na ang aso ay handang umatake. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAGAAN

ASO

BILINAN

DAPAT

HALIMBAWA

HAYOP

INDIKASYON

ITUTULOY

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with