^

Para Malibang

Napapagod ang bf sa pagtulong

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Mazzy,  ang problema ko po ay ang boyfriend ko. Mahal ko po siya kaya lang nagbabanta na po siya na gusto niya nang makipaghiwalay sa akin dahil nagsasawa na raw po siya na tumulong sa akin at sa aking pamilya pagdating sa pinansiyal na pangangaila­ngan. Minsan po kasi ay umuutang ako sa kanya ngunit nababayaran ko naman kahit na medyo late sa itinakda kong petsa na babayaran ko ito sa kanya. Ngayon po ay nagsasalita na siya sa akin ng masakit sa tuwing hihingi ako sa kanya ng tulong. Ano po ang gagawin ko? Gusto niya ng makipag-break sa akin dahil dito. Mahal ko siya at ayaw kong mawalsa siya sa akin.

Dear Mazzy,

Mukhang dapat ka ng mag-isip ng mabuti kung ito ba ang uri ng lalaki na nanaisin mong makasama habambuhay. Dapat kung mahal ka niya, mahal niya rin ang iyong pamilya, lalo na kung isa siya sa mga inaasahang tutulong sa’yo. Kaya lang dapat ay magpreno ka rin sa paghingi ng kanyang ayuda dahil baka naman ang dating mo na sa kanya ay isang malaking pabigat. Minsan kasi, nakakapagod din  kung wala ng humpay ang pagbibigay ng ayuda sa isang tao. Dapat mo rin itong balansehin at intidihin na ang bf mo ay mayroon din sariling mga pangangailangan at baka kaya naiinis na siya ay dahil hindi niya na maharap ang sarili niyang needs.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DAPAT

DEAR MAZZY

DEAR VANEZZA

ITAGO

KAYA

MAZZY

MINSAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with