^

Para Malibang

Maling pag-aakala sa anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Noong araw, akala ko’y ideal child ang aking anak na babae dahil pagkatapos ng eskwela, diretso siyang umuuwi ng bahay at nag-aaral ng leksiyon. Maganda ang performance niya sa klase at wala akong reklamo sa mga grades niya. Pero nadiskubre ko nito lang na palihim siyang lumalabas ng bahay. Nahuli ko siyang wala sa kanyang kuwarto sa oras ng kanyang tulog at ala-1:00 na ng madaling-araw bumalik.  After 3 days ay naulit at doon ko na sinumbong sa mister ko. Nagalit ang mister ko at sinampal siya. Sabi niya, nagbi-videoke lang sila ng mga kaibigan niya sa bahay ng kanyang kaklase. Hinala namin may kinakatagpo siyang lalaki. Ano ang dapat naming gawin? - Rems

Dear Rems,

Kausapin ninyo siya at daanin sa diplomasya. Baka naman may bf na siya at natatakot malaman ninyo kaya palihim silang nagkikita. Pero hindi siya dapat inaabot ng madaling araw dahil lubhang delikado sa tulad niya na abutan ng dis-oras ng gabi sa kalye. Ipaunawa ninyo sa kanya ang inyong pag-aalala. Huwag kayong maging marahas sa pagtatanong sa kanya dahil baka lalo siyang hindi magtapat sa inyo at makaisip pa ng hindi maganda.

 

vuukle comment

ANO

DEAR REMS

DEAR VANEZZA

HINALA

HUWAG

IPAUNAWA

KAUSAPIN

MAGANDA

NAGALIT

NAHULI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with