^

Para Malibang

Nag-guarantor sa utang, hinahabol ng inutangan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May problema po ang aking kapatid. Nag-guarantor siya para sa isang kaibigan na umutang nang malaking halaga at siya ngayon ang hinahabol ng pinagkautangan. Tinakbuhan ng kaibigan niya ang utang at nagkapatung-patong na ang interes. Humihingi siya ng tulong sa akin pero mababa lang ang sahod ko. At meron din akong asawa at may pinag-aaral. Sabi ko sa kanya, sabihin niya sa asawa niya na nasa abroad kung ano man ang problema dahil asawa lang niya ang makakatulong sa kanya. Ngunit natatakot raw siya na baka pagsimulan ito ng hiwalayan nila dahil lang sa utang. Sa huling usap namin ay sinabi niya na gusto na niyang mamatay para matakasan ang kanyang problema. Dahil sa takot ko, sinabi ko na lang sa kanya na gagawin ko ang lahat para matulungan siya sa problema niya. Tuwing ako ay sumasahod ay pinapadalhan ko siya ng pera para kahit paano ay makabawas nang kaunti sa inutang ng iba na siya ngayon ang nagbabayad. Dapat ko ba itong sabihin sa bayaw ko? Payuhan mo sana ako. - Pekto

Dear Pekto,

Tama ka sa payo mo sa kapatid mo na magtapat sa kanyang asawa. Ang mag-asawa ay talagang nagdadamayan sa hirap o ginhawa. Kasi habang dini-delay niya ang pagsasabi, lalong lumalaki ang problema. Dalawang bagay lang ang maaaring mangyari kung siya’y magtatapat. Una, maunawaan siya at makakasama niya si mister sa paghanap ng solusyon sa problema. Pangalawa, puwede rin na magalit si mister pero pasasaan ba’t tutulu­ngan din siya nito dahil mag-asawa sila. Huwag siyang matakot na baka hiwalayan siya. Isa pang dapat gawin ay tumulong siya sa pagtunton sa kaibigan niyang nagtago dahil isang kasong kriminal ang ginawa niya. Makiusap din siya ng maayos sa pinagkakautangan at makipagtulungan para mahanap ang balasubas na nangutang. Magsampa na rin siya ng reklamo sa pulisya para mapanagot ang kaibigan niya.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ASAWA

DAHIL

DALAWANG

DAPAT

DEAR PEKTO

DEAR VANEZZA

HUMIHINGI

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with