^

Para Malibang

Nagseselos sa ex-bf ng kanyang gf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May gf po ako ngayon at maganda naman ang relasyon namin. Pinag-uusapan na rin namin ang kasal. Kaya lang, isang pangyayari ang nakapagdulot sa kanya ng confusion.

Noong nakaraang taon ay binisita siya ng kanyang ex-bf. Ang pagkukwentuhan nila sa kanilang nakaraan, ang pagsasabi ng lalaki na mahal niya pa rin ang gf ko sa kabila na may asawa at anak na siya.

Maging ang pagbibiro na gusto raw makipag-sex sa gf ko, ikinuwento itong lahat sa akin ng nobya ko. Medyo nasaktan ako sa mga ikinuwento niya dahil parang nagkaroon pa siya ng pag-aalinlangan, para bang nag-isip siya. Mula noon nagkaroon na ako ng matinding selos. Mahal na mahal ko po ang nobya ko. Normal lang ba ang nararamdaman ko o ako ba ay nagiging possessive o nagseselos lang? - Bimbo

Dear Bimbom

Normal ang nararamdaman mong selos pero sa kabila nito, dapat magtiwala ka sa nobya mo. Naging matapat siya sa pagsasabi nang pangyayari pati na sa pagtutol niya sa hinihingi ng ex niya na makipag-sex. Kung makadarama man siya ng confusion ay sa dahilan marahil na may pinagsamahan din sila ng kanyang ex na once upon a time ay naging magkasintahan sila. Ngunit wala ka nang dapat ipag-alala dahil may asawa na naman ang kanyang dating nobyo. Tandaan mo, ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin at marunong umunawa.

Habang hindi pa kayo kasal ay ipakita mo na hindi kayang higitan ng kanyang ex ang pag-ibig na maibibigay mo sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR BIMBOM

DEAR VANEZZA

HABANG

KAYA

MEDYO

MULA

NGUNIT

NOONG

PINAG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with