^

Para Malibang

Nagbago ang asawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Kami pong mag-asawa ay may 2 anak. Wala naman kaming problema sa pinansiyal pero gusto ng mister ko ay magbitiw ako sa family business ng magulang ko para alagaan ang aming mga anak. Wala naman akong reklamo dun. Pero lately, nagbago ang aking asawa. Laging malalim ang iniisip at kahit nilalambing ko ay malamig pa rin. Hanggang sa nagkasakit siya. Pero sa kabila ng lahat ay pinipilit pa rin niyang ibigay sa akin ang buhay na kinasanayan ko. Gusto ko siyang tulungan at bumalik sa aming family business pero ayaw niya. Sa ngayon, nakabalik na uli siya sa trabaho niya pero hindi na sa dating puwesto. Naging malulungkutin na rin siya. Hindi ko na kayang abutin ang kanyang niloloob at dinadala sa isipan. Ano po ang dapat kong gawin?

- Mitchy

 

Dear Mitchy,

Dapat mong itanim sa isipan ng iyong asawa na hindi mo siya minahal dahil sa kakayahan niyang maibigay sa’yo ang luho sa buhay. Ipaliwanag mo sa kanya na aanhin mo ang kaluwagan sa buhay kung ang kapalit nito ay ang pagsama ng kanyang kalusugan. Lalo mong iparamdam sa kanya ang atensiyon at pagmamahal ngayon para mawala ang kanyang insecurity. Hindi mo rin dapat na ipakita sa kanya na nanghihingi ka sa mga magulang mo para mapagtakpan ang kakulangan sa gastusin. Kung ang turing mo sa asawa mo ay isa siyang perfect husband, ipakita mo naman ngayon sa kanya na isa kang perfect wife at ang lahat ay gagawin mo para mapaligaya siya at ang inyong mga anak.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

DAPAT

DEAR MITCHY

DEAR VANEZZA

HANGGANG

IPALIWANAG

LAGING

PERO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with