^

Para Malibang

Gustong kunin ng mister ang anak sa ibang babae

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po’y hindi na magkakaanak mula ng malaglag ang sanggol na dinadala ko noon. Ngayon po ay iminungkahi sa akin ng aking mister na kupkupin namin ang kanyang anak sa dati niyang nobya. Pupunta na sa Amerika ang kanyang ex-gf at iiwan ang bata sa mga magulang ng babae. Gusto ng mister ko na kunin niya ito dahil siya naman ang ama. Mas bata sa akin ang aking asawa pero sa kabila nito ay naging tapat siya sa akin. Batid ko na sinusustentuhan niya ang bata noon pa. At ngayong humihingi siya ng pabor ay naguguluhan ako. Mabigat ito sa loob ko pero hindi na ako magbubuntis at nais ko maging maligaya ang mister ko. Ano pong mapapayo mo? - Loda

Dear Loda,

Hindi masamang kunin ninyong mag-asawa ang anak ng mister mo sa ibang babae ngayong nangangailangan ang bata ng kakalinga sa kanya. Ang asawa mo kamo ang sumusustento sa bata kaya hindi maipagkakaila na mahal niya ang anak niya dahil hindi niya kinakaligtaan ang responsibilidad niya rito. Lawakan mo ang iyong pang-unawa. Para sa kaligayahan ng iyong mister, subukan mong maging ina sa bata. Huwag mong ipagkait na mapalaki ang bata ng sarili niyang ama. Nasa sa’yo pa rin ang desisyon. 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AMERIKA

ANO

BATA

BATID

DEAR LODA

DEAR VANEZZA

HUWAG

LAWAKAN

LODA

MABIGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with