^

Para Malibang

May gay benefactor ang mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong “Summer”. Ang problema ko, natuklasan ko na may gay benefactor ang mister ko. Nakatira siya sa isang exclusive condo sa Taguig kasama ang kinakasamang bading. Three years na mula nang iwan niya kaming mag-ina at hindi na niya kami inuuwian.  Nagbibigay siya ng pera para sa bata pero madalas ay hindi. Nabubuhay daw siya ngayon sa luho at panay ang abroad, ayon sa source ko. Hindi ko na rin alam kung ano ang estado ng pagsasama namin. Sa ngayon ay sinisikap ko na lang itaguyod mag-isa ang aking anak dahil hindi ko na rin gugustuhin pang makisamang muli sa kanya.

Dear Summer,

Ang pangyayaring ayaw nang bumalik sa piling ninyo ang iyong asawa ay tanda lamang na mas ninais niyang pakisamahan ang bading na tagapag-alaga niya. Marahil hindi niya kayang pakawalan ang naibibigay nito sa kanyang ginhawa. Dahil hindi na nga naman siya obligadong magtrabaho at nabibili niya ang gusto niya kapalit ng pakikisama rito. Nasa iyo ang pagpapasya kung magpapatuloy pa ang inyong kasalukuyang estado bilang mag-asawa. Puwede mong sabihin ang sitwasyon mo sa iyong mga magulang at biyenan. Maaaring matulungan ka nila para makumbinsi ang asawa mo na humiwalay na sa kanyang benefactor na bading. At para hindi ka nila masisi kung balang araw naisin mo rin na maghanap ng ibang makakatuwang sa buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DAHIL

DEAR SUMMER

DEAR VANEZZA

MAAARING

MARAHIL

NABUBUHAY

NAGBIBIGAY

NAKATIRA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with