^

Para Malibang

2 uri ng female orgasm

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Matagal nang pinagdedebatehan kung may dalawang uri ng orgasm na nararanasan ang mga babae.

Ang una ay resulta ng external clitoral stimulation at ang isa ay resulta ng vaginal penetration.

Sinasabi ng iba na magkaiba ang nararanasang orgasm pero sinasabi ng iba na pareho lang naman.

Nagsagawa ng pagsusuri ang dalawang scientist sa pamamagitan ng pagsasailalim ng ultrasound sa tatlong volunteers na ini-stimulate ang kanilang sarili sa iba’t ibang paraan.

Nakita sa resulta ng ultrasound na may dalawang uri ng female climax sa isang punto.

Habang ang taas lamang ng clitoris ang nagre-respond sa external stimulation, ang ugat ng clitoris kasama ang kabuuan ng clitoral at vaginal complex at nagre-respond sa penetration, ayon sa mga researchers.

Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsukat ng maliliit na variations sa bloodflow pattern habang isinasagawa ang iba’t ibang sexual contact para malaman kung paano nagre-respond ang clitoris at vaginal complex. Ito ay habang ginagawa ang sariling pag-i-stimulate o habang penepenetrate ang vagina ng basang tampons.

Gumamit ng 12-mhz flat probe at vaginal probe para sa sonography scans kung saan nakita na may ‘functional difference’ depende sa uri ng sexual contact.

Base sa pag-aaral, bagama’t iniisip ng marami na may isang uri lamang ng female orgasm, natuklasan nilang nagkakaroon ng magkaibang uri ng orgasm ay dahil may kinalaman ang  dalawang bahagi ang clitoris na external at internal at  ang clitorourethvaginal complex.

vuukle comment

GUMAMIT

HABANG

ISINAGAWA

MATAGAL

NAGSAGAWA

NAKITA

SINASABI

URI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with