^

Para Malibang

Anong gusto niyang ipahiwatig?

Pang-masa

Maraming ibig sabihin ng “kiss” o halik. Kapag hinalikan mo ang isang tao sa noo, ibig sabihin nito ay ginagalang  mo siya, kung sa ilong naglalambing, kapag sa pisngi at labi ay nagmamahalan. Maraming nagagawa ang kiss, kaya nitong magpadala ng mga mensahe  sa iyong utak, katulad ng pagpapainit sa iyong katawan para magkaroon ng “sexual urge”. Sa isang pag-aaal, natuklasan na ang isang “bad first kiss” ay puwedeng maging sanhi para hindi magkaroon ng magandang relasyon sa iyong tinatarget na gf/bf. Ngunit maraming mag-partner o mag-asawa ang hindi nalalaman na may ilang  uri ng kiss na hindi dapat ibinibigay o ginagawa sa isa’t isa. Narito ang tatlong uri ng kiss na hindi dapat gawin:

Walang emosyon na halik – Ang halik na ito ay karaniwang nangyayari kapag ikaw ay bagong dating o papaalis pa lang ng bahay. Minsan kasi dahil sa sobrang pagmamadali ay ito na lang ang uri ng kiss na iyong naibibigay. Pero, noong panahon na kayo ay nagsisimula pa lang sa inyong relasyon, kailanman ay hindi naging ganito ang uri ng inyong kiss. Bakit nga ba nagiging ganito na lang ang paghalik ninyo sa isa’t isa? Ang sagot ay “Para lang magawa ang inyong nakasanayang gawin sa tuwing magkikita at maghihiwalay”.

Paghalik sa pisngi – Hindi dapat ibinibigay ang “friendly cheek kiss” sa inyong partner/asawa. Ito ay dahil maaari mong ibigay ang iyong halik sa pisngi sa kahit na kanino, ngunit ang halik mo sa labi ay tanging nakalaan sa iyong special love one.

“Flying kiss” o “air kiss” – Ito ang pinakamaling kiss na nagagawa ng isang mag-partner o mag-asawa dahil wala itong “physical contact”. Iwasan ang ganitong uri ng halik dahil kapag lumaon ay makakasanayan na ninyo ito at hindi na maghahangad na maging “intimate” sa isa’t isa.

vuukle comment

BAKIT

HALIK

ISA

IWASAN

IYONG

KAPAG

KISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with