^

Para Malibang

Second hand na ang gf?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Roni, 29. Nagkaroon ako dati ng gf. Pero tutol ang kanyang mga magulang sa relasyon namin kaya nagtanan kami. Hanggang sa nabuntis ko siya. Akala ko mapapatawad na kami at mapapawi na rin ang galit nila lalo’t magkakaroon na sila ng apo. Pero nalaman ito ng mga magulang niya at inilayo nila ang gf ko. Ibinenta nila ang kanilang bahay at sama-samang nag-abroad. Matagal na panahon kong ininda ang sakit ng sugat na iniwan ng aming paghihiwalay. After 5 years, nakilala ko ang babaeng muling nagpatibok ng aking puso. Mabait siya at maganda pero meron na siyang anak sa pagkadalaga. Sa kabila nito, minahal ko siya pati ang anak niya. Kinakantiyawan ako ng mga barkada ko kasi marami naman daw dalaga pero bakit sa single mother ako pumatol. Pinagsabihan din ako ng aking mga magulang pero hindi raw nila pakikialaman ang sariling kong desisyon. Okay ba kung magpakasal ako sa babaeng may anak na?

Dear Roni,

Wala namang masama kung magpakasal ka sa isang babaeng may anak. Ang mahalaga ay nagmamahalan kayo at tanggap ninyo ang kahinaan at kapintasan ng bawat isa. Kung may tutol man sa inyong relasyon, normal lang ito kasi nga we cannot please everybody. Ikaw naman ang makikisama at kaligayahan mo ang nakataya kaya huwag mong pansinin ang opinyon ng ibang tao. Sa bandang huli ikaw pa rin ang masusunod.

vuukle comment

AKO

DEAR RONI

DEAR VANEZZA

HANGGANG

IBINENTA

IKAW

KINAKANTIYAWAN

MABAIT

MATAGAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with