^

Para Malibang

10 benepisyo ng pag-inom ng tubig

BODY PAX - Pang-masa

1. Nakakapagbigay ng lakas at nakakawala ng pagod–Ang utak ng isang tao ay binubuo ng mas malaking pursiyento ng tubig, ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang tayo ay makapag-isip ng mabuti at maayos. Tumutulong din ito upang tumalas ang ating isipan.

2. Nakakatulong sa pagbawas ng timbang – Ina­alis ng tubig ang taba sa ating katawan, pinapababa nito ang gana sa pagkain, nakakabawas ng gutom, pinabibilis nito ang metabolismo sa ating katawan at higit sa lahat ito ay walang calories.

3. Nakakabawas ng toxin– Sa pag-inom ng tubig ay nailalabas ang toxin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapawis at pag-ihi. Sa pamamagitan ng regular na pag-ihi ay puwedeng maiwasan ang panganib ng sakit sa kdiney stone at urinary tract infections (UTI).

4. Nakakapanatili ng magandang balat – Pina­panatiling mamasa-masa at hindi dry ang balat, sariwa, malambot at makinis. Ang pag-inom ng tubig ay mabisang pangontra sa pagkulubot ng balat  o natural anti-aging treatment!

5. Regular na pagdumi –Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang maging regular ang pagdumi.

6. Nakakapagpalakas ng resistensiya –Ang pag-inom tubig ay nakakatulong upang makaiwas sa ibat-ibang sakit katulad ng sakit sa puso, hypertension, trangkaso at marami pang iba.

7. Natural na pang lunas ng sakit sa ulo –Tumutulong na mabawasan ang sakit sa ulo at sakit sa kasukasuan dulot ng dehydration.

8. Nakakatulong makaiwas sa pulikat at pilay- Ang tamang pag-inom ng tubig ay nakakatulong upang maging madulas ang mga kasukasuan at nakakatulong din ito na mabanat ng maayos ang mga muscle para maiwasan ang matinding pananakit nito kapag may mga aktibidad na ginagawa.                                                                                                                                   

9. Nakakapanatili ng magandang disposisyon –Kapag ang isang tao ay walang nararamdamang sakit o anumang hindi magandang pakiramdam ito ay nakakapagpaganda ng pananaw at disposisyon sa buhay.

10. Nakakatulong na makatipid sa gastusin – Kung ang isang tao ay regular na umiinom ng tubig ay malaki ang matitipid sa kadahilanang hindi kailangang ilaan ang pera sa pagpapagamot o ano pa mang medical na serbisyo. Ang regular na pag-inom ng tubig ay nakakapanatili ng malusog na pamumuhay.

vuukle comment

INA

INOM

NAKAKAPANATILI

NAKAKATULONG

PAG

SAKIT

TUBIG

TUMUTULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with