^

Para Malibang

Maging seksi at maganda

Pang-masa

Malapit na ang Valentine’s day at tiyak na maraming mga kababaihan ang hindi malaman kung paano magiging maganda at sexy sa araw na ito, lalo na kung sila ay may date. Narito ang ilang paraan:

Magsuot ng pulang-damit – Sa pag-aaral ng mga eksperto,  kapag nakakakita sila ng bagay na kulay pula ay napupukaw ang bahagi ng kanilang utak na nagtutulak sa kanila na maakit dito. Noon pang  10,000 B.C. ay gumagamit na ang mga kababaihan ng kulay pulang bagay para akitin ang lalaki.

“Dim lights” – Hindi na kailangan pang ipaliwanag, ang paggamit ng kandila sa date ay talaga naman sexy ang da­ting.  Kung gagamit ka nito, gumamit na rin ng shimmery bodycream para mas maging makinis ang epekto nito sa iyong date.

Maging malikhain sa iyong mukha/ulo – Kumurap, tumango at umiling-iling. Medyo wirdo pakinggan ngunit tiyak na maganda ito sa paningin ng mga lalaki. Lumalabas na ang mga babaeng may “high motion faces”  ay mabilis na nakakakuha ng atensiyon ng mga kalalakihan dahil sexy itong tingnan.

Tamang pabango – Ayon sa mga eksperto sa pabango, ang mga amoy na gaya ng vanilla, bulaklak, cinnamon at iba pa ay tunay namang sexy ang dating sa pang-amoy ng mga kalalakihan.

Ngumiti – Kung ikaw ay palangiti, huwag ka ng magtaka bakit madaming tao ang lumalapit sa’yo. Kahit hindi ka masyadong maganda, kung palagi ka naman nakangiti, magiging sexy at maganda ka na rin sa paningin ng iba.

vuukle comment

AYON

KAHIT

KUMURAP

LUMALABAS

MAGSUOT

MEDYO

NARITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with