^

Para Malibang

‘Harassment’ (1)

Pang-masa

Hindi maiiwasan saan mang lugar o kapaligiran na makakilala ka ng taong mahilig manakot, mang-asar at mang-intimidate ng kanyang kapwa. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay matatawag na “harassment”. Hindi ito magandang gawain dahil ito ay nakakapanakit ng sinumang mabibiktima nito. Ito ay maituturing na labag sa batas na nagaganap kahit saan gaya ng paaralan, opisina, simbahan, pribado o pampublikong lugar man. Kung ikaw ay nakakaranas nito, narito ang ilang hakbang kung paano mo haharapin ang sinumang gumagawa sa’yo nito.

Tiyakin kung ikaw ay nakakaranas ng harassment – May ilang mga pagkakataon kasi na hindi alam ng isang tao na siya pala ay nagi­ging biktima nito o di kaya ay talagang dinidedma niya na lang ito. Hindi dapat pinapayagan ng isang tao na siya ay maging biktima ng harassment. Kaya kung sa tingin mo ay hindi ka komportable sa ginagawa sa’yo ng isang tao, pag-aralan itong mabuti dahil maaaring hindi ka lang “aware” sa kanyang ginagawa na ito pala ay laban sa’yo.

Pagsabihan ang taong tigilan ang ginagawang harassment -  Kung hindi ka komportable sa sitwasyon, kausapin mo ang taong ito na tigilan anuman ang kanyang ginagawa sa’yo. Minsan kasi may mga taong hindi naman nila alam na sila pala ay nakaka-offend na ng kanilang kapwa na nagreresulta sa harassment. Sabihin mo sa kanya na hindi ka komportable sa kanyang ginagawa.

Iwasan  siya – Hanggang maaari ay iwasan mo ang taong gumagawa sa’yo ng harassment. Huwag mong hahayaan ang sarili mo na makasa­lamuha mag-isa ang taong ito, palagi kang humingi ng saklolo sa iyong mga kaibigan o kasamahan sa trabaho.

Itago ang kanyang mga ibinibigay sa’yo – Kung pinadadalhan ka niya ng regalo, bulaklak, sulat o anumang bagay na maaari mong gami­ting ebidensiya laban sa kanya. Kung siya ay nagti-text naman sa’yo, huwag mong buburahin ang kanyang mga messages, lalo na kung ito ay mahalay. (Itutuloy)

vuukle comment

HANGGANG

HARASSMENT

HUWAG

ITAGO

ITUTULOY

IWASAN

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with