^

Pang Movies

Rufa Mae nahirapang lampasan ang depression pagkapanganak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rufa Mae nahirapang lampasan ang depression pagkapanganak

Rufa Mae

Hindi itinatanggi ng comedienne na si Rufa Mae Quinto na masyado siyang emotional kapag nagpo-post siya sa Instagram, lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang katawan niya.

Aminado ang komedyana na nag-struggle siya sa pag-lose ng extra weight dahil sa panganganak niya kay Baby Alexandra noong nakaraang taon.

Naranasan din niya ang magkaroon ng postpartum depression.

Pero ngayon ay pinapakita na ni Rufa Mae ang progress ng kanyang balik-alindog program.

Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo, kasama na roon ang iwasan ang mga masasarap na paborito niyang pagkain at mag-workout everyday, unti-unti nang bumabalik ang dating sexy na katawan ni Rufa Mae.

Sa latest post niya, makikita na may kurba na ulit siya at mas happy na siya ngayon dahil worth it ang mga ginawa niya.

Tamang-tama lang daw ang pagpapayat niya sa nagdaang Valentines Day at sa first birthday ng baby niya on February 17.

Rachelle at fiancé na foreigner, isang taon palang magkakilala

Nag-celebrate ang engaged couple na sina Rachelle Ann Go at Martin Spies ng anniversary nang unang araw ng pagkakakilala nila noong nakaraang February 9.

Sa Instagram post ng Broadway at West End star, February 9, 2017 noong unang nag-meet sila dahil sa isang common friend na sinet-up ang date na iyon.

Hindi nila alam na seven months later ay mae-engaged sila nang magbakasyon sila sa Boracay.

Kasalukuyang nasa London si Rachelle at lumalabas sa musical na Hamilton.

May nakausap nang wedding coordinator sina Rachelle at Martin na siyang mag-aasikaso ng magiging kasal nila sa taong ito.

R&B singer at rapper na si Nelly kinasuhan, nagpa-masturbate sa fan

Under investigation ang rapper/R&B singer na si Nelly dahil sa kasong sexual assault na nangyari sa England noong nakaraang taon.

Ayon sa TMZ, isang babae ang inakusahan ang rapper na pinilit daw siya nito na mag-perform ng oral sex sa kanya pagkatapos ng kanyang show sa Cliffs Pavilion in Essex on December 5.

Sa kuwento ng babae, na-meet niya si Nelly pagkatapos ng show nito at humiling ito ng picture na kasama siya. Inimbitahan daw siya ni Nelly at ang ilang kaibigan niya na pumasok sa dressing room.

Pagpasok daw nila sa dressing room, hinatak daw ni Nelly ang babae sa isang kuwarto at nag-masturbate daw ito sa harapan niya.

Pinilit siyang maghubad nito at halikan at ipahawak ang pagkalalake nito. Noong kumawala ang babae at tumakbo palabas ng dressing room, tinawag daw siyang c**t ni Nelly.

Hindi agad pumunta sa police station ang babae at baka walang maniwala sa kanya. Kelan lang nag-file ang babae ng sexual assault kay Nelly.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with