^

Pang Movies

Alden at Maine kanya-kanyang buhay na

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Marami ang nakakapuna na mukhang may kani-kanyang lakad na ang AlDub. Noong mag-show si Alden Richards sa Australia ay si Betong Sumaya ang kanyang kasama. Ganun din si Maine Mendoza na may lakad sa Canada.

Bukod dito, may mga TV show din na ibang artista ang kapareha nila. Wow, pinaglalayo na bang talaga ang dalawa? Paano kaya ito tatanggapin ng mga tagahanga? Maliwanag na ipinakikitang puwede silang makapagsolo kahit wala ang isa’t isa.

Sylvia maganda ang pagpapalaki sa mga anak

Hindi nagkamali si Mother Lily Monteverde sa pagpili kay Sylvia Sanchez para gumanap na ina sa Mama’s Girl dahil nabigyan nito ng justice ang kanyang role.

Imagine, sa tagal ng panahong nakilala namin si Sylvia na Candy pa ang pangalan noon ay isa na siyang magaling na artista. Isa si Sylvia sa mga artistang may pinakamagandang face at kapuri-puri rin sa pag-aalaga ng mga anak dahil naturuan niya ang mga ito na rumespeto at tapusin ang obligation sa pag-aaral.

Isa pang maka-inang actress ay si Amanda Amores na noong bumisita last Christmas sa Guam kasama ang pamilya ay nakadama raw ng paglalambing sa ina. Doon din niya napatunayan na isang malaking kayamanan sa buhay na makitang masigla at malakas pa ang ina.

Lito ‘di gumagawa ng pekeng fight

Hindi naman nakakapagtaka kung bakit maraming pumapalakpak sa tuwing may eksenang barilan at fight scene ang dating action king at former senator na si Lito Lapid sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Original action king kasi ang napapanood nila at walang pekeng fight na basta iaakma lang ng kalaban ang kamay ay bubulagta na sa lupa.

Masaya ang Kapamilya network dahil habang tumatagal, lalong umiinit ang mga eksena nina Coco Martin at Lito. Totohanan kasi ang acting niyang ipinakikita at hindi kailangan pang magpapungay ng mga mata bago gumiling ang kamera, balita nga namin na ang ibang action stars, nagwe-wet lips pa bago makipag fight, wow petmalu naman!

Ilang ihawan sa Baliuag perwisyo na raw

Maraming pumupuri sa ganda ng mga paligid sa bayan ng Baliuag, Bulacan. Malinis ito at may mga disiplinang ang mga mamayan. Ang problema lang na reklamong nakakarating sa amin, bakit daw ‘yung mga ihaw-ihaw na usok ang dulot sa paligid ay sa kalye napunta at perwisyo na, lalo sa mga establisyamentong natalikuran nito. Nag-aamoy usok daw ang mga bestidang naka-display sa tindahan nila. Sana naman ay maayos ang problema nila.

Personal…

Nakikiramay kami sa pagyao ng kapatid ni katotong Roland Lerum na si Azenith Zembrano Lerum noong January  19 na nakatira sa Lopez, Quezon.

May mga kapatid sa showbiz na nagtatanong, sa dami raw kaya ng alaga ni Roland ay may nakitang nakiramay man lang? Hay, that’s showbiz po!

                                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with