^

Pang Movies

Gabbi nagsakit-sakitan para ‘di um-attend sa presscon?!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaya ang atmosphere sa presscon ng Sherlock, Jr. noong Lunes ng gabi. Hindi naman naramdaman ang pagkawala ni Gabbi Garcia sa nasabing presscon na ayon sa narinig namin ay may sakit daw pero nagpu-post sa social media na nakatayo pa. Pero hayaan na natin ang drama niya at successful naman ang event kung saan ay dinumog ng press ang bida na si Ruru Madrid. Nagpakitang gilas din si Siri, ang wonder dog na makakasama ni Ruru sa teleserye.

Kulang man ang cast ng Sherlock, Jr. ay full force naman ang mga namumuno ng GMA Entertainment Content sa pangunguna ng SVP for Entertainment na si Ms. Lilybeth G. Rasonable, VP for Entertainment na si Ms. Reghie Acuna Magno at ang AVP for Entertainment na si Cheryl Ching Sy plus ang mga Program Managers na paborito si Ruru Madrid.

Magsisimula itong umere sa January 29 after 24 Oras.

LJ at Paolo nagli-live in na raw!

Si LJ Reyes ang makakasama ng cast ng Bubble Gang sa Biyernes ng gabi kung saan kabilang ang live-in partner niyang si Paolo Contis. Sa Sabado ay sina Keempee de Leon, Migs Cuaderno at marami pang iba ang makakasama naman ng cast ng Pepito Manaloto sa Sabado ng gabi after 24 Oras na parehong brainchild ni Michael V.

Bale si Michael V. o Bitoy ang lead sa mga comedy show ng GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with