^

Pang Movies

Pumiyok sa gustong shade tatay ni Alden abangers sa lipstick ni Maine!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pumiyok sa gustong shade tatay ni Alden abangers sa lipstick ni Maine!

Maine

Marami nang excited sa paglabas ng sariling lipstick color ni phenomenal star Maine Mendoza at may mga lipstick challenge pa ang fans. Kahit ang mga misis na fans ni Maine, nilalagyan ng MAC lipstick ang kanilang mga mister.

Very supportive parents, nag-post si Nanay Dub (Mary Ann Mendoza) sa kanyang Twitter account ng “Hahaha! May naki-challenge accepted #MAINEforMAC” na may picture ni Tatay Dub (Teddy Mendoza) na naka-red lipstick. Even si Daddy Bae (ni Alden Richards), ay nag-tweet din ng “ano bang shade bagay sa skintone ko? Fire red? Hahaha!”

Sa April 2018 pa ang launch ng lipstick line ni Maine.

Matt susubok magkontrabida!

Parang matagal nang Kapuso ang feeling ni Matt Evans, ngayong kasama na siya sa unang teleserye niya sa GMA 7, ang fun investigative series na Sherlock, Jr.  Hindi nga raw siya masyadong nanibago sa first day pa lamang ng trabaho niya roon. Pero bakit nga umalis siya sa former mother network niya, ang ABS-CBN?

“Siguro po, gusto ko na ring magkaroon ng bagong environment,” nakangiting wika ni Matt.

“Saka parang ang dami na po namin doon, hindi po naging madali ang desisyon kong lumipat, pero na-realize ko rin po na kailangan ko namang kumita.”

Bakit kontrabida at hindi bida ang role na ibinigay sa kanya ng GMA?

“Tinanong po ako nina Ms. Lilibeth Rasonable kung ano raw ang role na gusto ko, sabi ko po, mas gusto ko ang character roles, dahil mabilis maka-penetrate ang mga ganoong role sa mga televiewers. Natuwa naman po ako nang ito ang ibinigay na role sa akin, tapos ang director pa namin si Rechie del Carmen, na nakatrabaho ko na sa kabila, kaya po kabisado ko na rin ang working habits niya. Simula pa lamang ng taping, relax na po ang feeling ko, kaya sabi ko, nababagay na ako rito.”

Contract artist pala si Matt ng Triple A Productions headed by Rams David at nag-try muna siyang pumirma for two years. Masaya siya sa magandang pag-aalaga sa kanya at iba pang contract artists nila sa said production.

Sa Monday, January 29 na ang pilot telecast ng Sherlock, Jr. na siyang papalit sa matatapos nang fantasy-action series ni Marian Rivera, ang Super Ma’am sa Friday, pagkatapos ng 24 Oras.                                             

Dating child actor na si Martin susubok sa recording

First time naming na-meet si Martin V (Venegas), mukhang familiar siya. Tama, dahil former child actor at Viva artist pala siya. Nakagawa muna siya ng mga commercial, teleseryes, at movies. Ang huli niyang ginawang movie ay bilang young Martin Escudero sa Moron 5. Dumating siya sa awkward stage kaya huminto muna siya at ngayon, bumabalik bilang isa nang recording artist. First single niya ang My One And LODI na bagay sa mga millennial gaya ni Martin.

Napaka-humble ni Martin at hindi siya nagmagaling na maganda ang boses niya, basta gagawin daw niya ang best niya kapag nagsimula na siyang mag-promote ng first single niya. Pinarinig at ipinapanood sa ilang entertainment press ang song ni Martin na isang original composition ng multi-awarded song composer and director si Joven Tan. Siya rin ang nag-direk ng music video at sorpresa kung sino ang kinantahan niya ng My One And LODI.

Iri-release ng Star Music ang first single ni Martin V at simula sa February 2, maririnig na ito sa digital stores tulad ng Spotify.  Showbiz crushes ni Martin V sina Andrea Brillantes ng ABS-CBN at si Bianca Umali ng GMA, at sa music naman ay sina James Reid at Justin Bieber ang kanyang inspirasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with