^

Pang Movies

Nagbigay ng award kay Mocha, ayaw tantanan, pinabababa sa puwesto!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Siguro nga masasabing pinakakontrobersyal na award ngayon iyong natanggap ni Mocha Uson mula sa Alumni Association ng University of Sto. Tomas. Kinilala lang naman siya bilang isa sa mga graduate ng unibersidad na nasa government service. Wala namang sinabing iba pang dahilan. Pero mukhang hindi pa rin iyon katanggap-tanggap sa marami.

Ang UST mismo ang nagsabing wala silang kinalaman sa award na iyon. Ang nagbigay ng award ay iyon ngang alumni association at anumang koneksiyon iyon sa unibersidad, maliban sa ang mga kasapi noon ay mga dati nilang estudyante. Maging ang Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng UST ay tumutol sa award na ibinigay kay Mocha, at hiniling pang dapat na mag-resign ang mga pinuno ng alumni association na nagbigay ng award sa kanya.

May mga ibang awardees din, kahit na noon pang mga nakaraang panahon na magsasauli diumano ng kanilang award dahil nawalan na iyon ng halaga sa kanila matapos na mabigyan din ng katulad na award si Mocha.

Ano ba talaga ang objections nila kay Mocha? Hindi maliwanag iyan. Iyon ba ay may kinalaman sa pulitika? Iyon ba ay may kinalaman sa dati n­iyang image bilang isang sexy singer at dancer? Hindi talaga maliwanag iyon. Pero kung iisipin mo, walang problema kay Mocha dahil siya ay binigyan lamang ng award na tinanggap naman niya. Ang mas may problema talaga at kailangang magpaliwanag sa mga kritiko nila ay ang nagbigay ng award. Kinukuwestiyon ngayon ang kanilang criteria, kahit na sinasabi nila na wala namang criteria talaga kung ‘di dapat ay graduate lamang ng UST at nasa government service.

Ang iginigiit naman ng mga taga-UST, dapat ang bibigyan ng award ay nagpapakita ng pagsunod sa mga prinsipyo ng unibersidad sa kanilang pamumuhay at sa kanilang posisyon.

Si Mocha, willing naman daw na isauli iyon kung babawiin sa kanya. Pero hindi maaasahang basta niya isasauli maliban nga lamang kung bawiin sa kanya. Magulo iyan.

Juday hindi na puwede sa teleserye

Maganda ang mga review sa pelikula ni Judy Ann Santos na Ang Dalawang Mrs. Reyes. Maganda rin naman ang resulta ng pelikula sa takilya. Maliwanag na nakabalik na si Juday sa mainstream na mga pelikula. May mga pelikula kasi siyang indie, na kagaya ng iba ay hindi rin kumita. Ang maganda nga lang sa nangyari kay Juday, nang magbalik siya sa mainstream, kumita ulit ang pelikula niya.                                                     

Dahil diyan, marami ang kumbinsido na siguro nga ay dapat nang magbalik ulit sa primetime television si Juday para minsan pang patunayan ang kanyang supremacy sa TV. Sinasabi nila noon, bumaba rin ang ratings ng mga serye niya dahil nasagad na rin siya sa sunud-sunod na serye. Pero ngayon ay nananabik na naman ang mga tao sa kanya.

Ang problema naman, alam naman natin ang demands ng taping ng isang serye, at iyon ang magiging problema ni Juday lalo’t tatlo na ang anak na kailangan niyang asikasuhin.

Aktor na may asawa, panay ang booking sa mga out of town

Kahit nag-asawa na, ganoon pa rin pala ang gawi ng isang male star. Kaya siya paboritong kunin sa mga out of town shows, basta raw out of town, payag siyang makipag-date sa mga kumukuha sa kanya. Ibig sabihin, may added service bukod sa show na ginagawa niya. Kailangan naman niyang gawin iyon dahil mga out of town shows na lang ang pinagkakakitaan niya. Wala namang ibang projects na iniaalok sa kanya sa ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with