^

Pang Movies

Aray… Andre biglang idinenay si Mikee

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Aray� Andre biglang idinenay si Mikee

Andre

Pinagsasabay ni Andre Paras ang showbiz career niya at basketball. Aminado siyang wala siyang pahinga dahil sa tambak na ginagawa niya kaya ‘yung paghahanap ng oras para magpahinga ang nasa isipan niya.

“Puwede naman akong wala sa training ng baskeball eh. Kung hindi ko kaya mag-a-absent ako. Pero of course, as much as possible train lang nang train,” pahayag ni Andre na nasa cast ng coming Kapuso series na Sherlock, Jr.

Medyo seryoso naman daw ang role niya sa series dahil isa siyang pulis. “‘Pag pulis ka, kailangan seryoso ka at dapat hindi binababoy. But of course, ‘pag off cam o walang uniform, kenkoy na best friend ni Jack (Ruru Madrid),” saad niya.

Hindi naman siya naninibago kasi sa Sunday PinaSaya, lumalabas ang pagiging kengkoy niya?

“Hindi naman po. At least, I am know for something! Ha! Ha! Ha! At least, napapasaya ko ang mga bata. Kasi important sa akin ‘yon. Why will I make myself happy kung ‘yung iba, hindi. Naghahanap ako ng ways to make them happy,” katwiran ng anak ni Benjie Paras.

Pagdating sa pag-aaral, tumigil na siya sa unang kurso na filmmaking. Pero nag-aaral siya ng English sa online para magkaroon ng diploma.

Paano na ‘yung mga girl? “Zero! Sacrifice ko talaga ang lovelife ko! Kung meron lang...” deklara ni Andre.

Itinanggi naman niyang nililigawan niya si Mikee Quinto na kasama niya sa weekly series na Sirkus. “Close lang kami ni Mikee!” tugon ni Andre.

Marian nag-trending sa backless dress

Kumu-kumare si Dingdong Dantes kay Marian Rivera nang kunin silang principal sponsors sa kasal ng common friend nila last Saturday. Sa kanyang Instagram, inilabas ni Dong ang pic nila ni Yan habang ruma­rampa patungong altar.

Sa isang party namang dinaluhan, nanggulat si Marian sa suot niyang backless dress, huh! Tawag nga ni Dong sa kanya ay Bond Girl, huh! Sumakay naman si Yan sa paghaharot sa kanya ng asawa!

Maluwag-luwag pa ang schedules nina Dong at Yan dahil si Dong, pelikula ang inaatupag ngayon habang si Marian eh, finale week na ng kanyang Super Ma’am. Mixed emotions ang feeling ng GMA Primetime Queen dahil patapos na ang kanyang comeback primetime program at mawawalay siya sa tinagurian niyang bagong pamilya.

Pramis naman ni Yan, mas maaksyon ang mga pasabog na mapapanood ng programa ngayong week na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with