^

Pang Movies

Gladys at Christopher nakaraos ng 25 years!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gladys at Christopher nakaraos ng 25 years!

Gladys at Christopher

Kahapon ang renewal of vows nina Gladys Reyes at Christopher Ro­xas sa Tagaytay locale ng Iglesia Ni Cristo.

Hindi na ako nagpunta pero pinadalhan ko na lang ng gift ang mag-asawa na ipinagdiriwang ang silver anniversary ng kanilang relasyon.

Kahapon din ang birthday ni Christophe, ang panganay nina Gladys at Christopher. Bagets pa lang si Christophe pero vlogger na siya kaya proud na proud ang mga magulang niya.

I’m sure, igagawa ni Christophe ng vlog ang important day sa buhay ng kanyang supportive parents.

Sa mga nagtatanong kung bakit nagdiriwang ng silver anniversary sina Gladys at Christopher, simple lang ang sagot, eleven years na boyfriend and girlfriend ang kanilang relasyon at 14 years na ang pagsasama nila bilang husband and wife.

May mga pagsubok na pinagdaraanan ang relasyon nina Gladys at Christopher pero lalo lamang naging matatag ang kanilang pagmamahalan na biniyayaan ng apat na anak na magaganda.

Mga future matinee idol ang mga anak na lalaki nina Gladys at Christopher. Sure ako na magiging mahusay na aktres ang kanilang only daughter dahil minana nito ang acting abi­lity ng mga magulang niya.

Pumirma ng kontrata sa Viva Xian babu na kay Kim!

Marami ang nagulat sa balita na nag-babu na si Xian Lim sa Star Magic at pumirma siya kahapon ng exclusive contract sa Viva Artists Agency.

Paano na ang loveteam nila ni Kim Chiu na tanong ng fans ni Xian?

Malalaman natin ang tumpak na kasagutan dahil siguradong magsasalita si Xian tungkol sa desisyon niya na lumipat sa talent management agency ng Viva Films.

Dahil contract star na siya ng Viva Artists Agency, asahan natin na magkakaroon si Xian ng maraming pelikula sa Viva Films at mabibigyan siya ng album sa Viva Records.

In demand din ang mga artista ng VAA sa mga television commercials kaya sure na madadagdagan ang mga product endorsement ni Xian na parang si Billy Crawford na may fresh beginning ang career ngayong 2018.

Ruru at Ryzza Mae walang pinagkaiba kina Dennis at Barbie

Pinanindigan ni Ruru Madrid na friends lamang sila ni Gabbi Garcia as in hindi totoo ang mga tsismis na ex-lovers ang dalawa.

Hindi na kinulit ng mga reporter si Ruru dahil gentleman ito. Kahit ano’ng pilit, hindi siya magsasalita tungkol sa past nila ng kanyang leading lady sa Sherlock, Jr.

Natawa rin si Ruru nang tanungin tungkol sa isyu na big crush siya ni Ryzza Mae Dizon.

Ang sabi ni Ruru, younger sister ang treatment niya kay Ryzza Mae na hindi raw itinatago ang paghanga sa aktor.

Nagkikita tuwing Linggo ang dalawa dahil semi-regular si Ryzza Mae sa Sunday PinaSaya.

Dalaginding na si Ryzza Mae at normal lang na magkaroon siya ng mga hinahangaan na mhin. Natawa uli si Ruru sa obserbasyon ng mga reporter na mga babae na morena ang mga may type sa kanya dahil parehong morena sina Gabbi at Ryzza Mae.

Walang ipinagkaiba sina Ruru at Ryzza Mae kina Dennis Trillo at Barbie Forteza. Si Dennis ang crush na crush ni Barbie noong bagets pa ito. Never na ipinagkaila ni Barbie na big fan siya ni Dennis noong nagsisimula pa lamang ang showbiz career niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with