^

Pang Movies

Kisses todo sa rehearsal para sa solo concert!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Oha! May first Gold at Platinum record award na si Kisses Delavin para sa kanyang self-titled album na tinanggap nito sa ASAP noong Linggo.

Dedicated ni Kisses ang nasabing awards sa fans na nag-push sa kanya para ibigay nito ang 200% best performance sa lahat ng kanyang ginagawa. Nagbunga ang effort ni Kisses na ibinuhos daw ang buong puso at pagmamahal sa kanyang album.

Promise rin ni Kisses na hindi siya magsasawang magpasalamat sa kanyang supporters at ipapadama raw niya ito sa kanyang mga project ngayong taon.

Isa na rito ang first solo concert ni Kisses sa KIA Theater sa Feb. 24, 2018  na kahit ang young actress ay hindi makapaniwala.

Nagulat din si Kisses na umabot na sa 1.3 million ang kanyang followers sa Instagram. Kaya aminado si Kisses na bigla siyang napasugod sa G-Force studio para mag-aral ng dancing upang lalo pang i-push ang sarili para sa nalalapit niyang concert.

Proud ang fans ni Kisses dahil willing ang kanilang pambato na i-improve ang skills nito mapa-singing, dancing, at pag-arte.

In all fairness kay Kisses ay pagaling nang pagaling siya sa kanyang dance moves na ipinu-post nito sa IG.

Dedma si Kisses sa bashers at sa halip ay nagku-concentrate sa mas magandang version ng sarili.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with