^

Pang Movies

Naging suki ng psychiatrist, Claudine nakaraos na sa panic disorder?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May correction please ako. Panic disorder pala at hindi depression ang nagpapahirap kay Claudine Barretto kaya regular ang pagbisita niya sa kanyang psychiatrist.

Madalas na napagkakamalan na baliw ang mga tao na may panic disorder dahil maselan ito na karamdaman.

Nagsimula ang panic disorder ni Claudine nang mamatay noong March 2002 ang kanyang ex-boyfriend na si Rico Yan.

Bago pa ini-reveal ni Claudine na may panic disorder ito, alam ko na ang explanation tungkol sa panic attack dahil ito ang sakit ng isa sa mga alaga ko na hindi ko na sasabihin ang name.

Mid-90’s nang marinig ko mula sa alaga ko ang salitang panic attack dahil para siyang mamamatay kapag sinusumpong.

Nahihirapan siya na makahinga at hindi makatulog pero ang maganda sa kanya, alam niya ang dahilan kaya nagkaroon siya ng panic disorder.

Importante sa mga tao na may panic disorder na alam nila ang pinagmulan ng kanilang karamdaman para makalaban sila at higit na maintindihan ang sarili.

Hopefully, makakatulong kay Claudine ang kanyang rebelasyon sa publiko na may panic disorder siya at tinutulungan niya ang sarili sa pamamagitan ng professional help.

Ryza ?kumportable sa skimpy bikini

Seksing-seksi si Ryza Cenon sa mga eksena niya sa Mr. & Mrs. Cruz, ang pelikula nila ni JC Santos na bukas na ang playdate sa mga sinehan.

Hindi natakot si Ryza na magsuot ng mga skimpy swimsuit sa mga eksena niya sa Mr. & Mrs. Cruz dahil kailangan sa kuwento ng pelikula.

Hindi iisipin ng mga manonood ng Mr. & Mrs. Cruz na exploited si Ryza dahil bukod sa kinunan sa beach ang mga scene nila ni JC, babae ang direktor ng pelikula, si Sigrid Andrea Bernardo.

Naipakita ni Sigrid sa Mr. & Mrs. Cruz ang kagandahan ng Palawan kaya malamang na madagdagan ang mga turista na pupunta doon kapag napanood nila ang pelikula nina JC at Ryza.

Ama namayapa, Vhong nagluluksa!

Nakikiramay ako kay Vhong Navarro dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Danilo Navarro.

Matagal nang may karamdaman ang tatay ni Vhong at ang paggaling niya ang isa sa mga birthday wish ng TV host/actor nang magdiwang ito ng kaarawan noong January 4.

Naging mabuting anak si Vhong sa kanyang mga magulang kaya sure ako na napaligaya at napaglingkuran niya na mabuti ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Kahit sikat na artista si Vhong, hindi natin nabalitaan na naging epal ang tatay o nanay niya. Tahimik na sinuportahan nila ang showbiz career ng kanilang anak.

Paolo-Yam movie nakakaaliw ang trailer?

Inilabas na ng Viva Films ang official trailer ng My Amnesia Love na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Yam Concepcion.

Nakakatawa ang trailer ng My Amnesia Love kaya malaki ang potensyal nito na pilahan sa box-office.

Wala pang announcement ang Viva Films tungkol sa playdate ng My Amnesia Love pero marami ang nagsasabi na perfect na Valentine’s day presentation ang Paolo-Yam starrer na isang romantic co­medy movie.

Kung sakaling mag-decide ang Viva Films na ipalabas sa mga sinehan sa February 14 ang My Amnesia Love, ang My Fairy Tail Love Story ang makakatapat nito dahil sa Valentine’s Day ang playdate ng pelikula ng Regal Entertainment, Inc.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with