^

Pang Movies

Angel nakapili na ng golden buzzer act

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang act ang makakakuha ng Golden Buzzer ng aktres na si Angel Locsin ngayong weekend sa world-class talent search na Pilipinas Got Talent.

Talaga namang namangha si Angel sa naturang act at naantig sa inspirasyong hatid nito, kaya hindi na nagdalawang isip ang PGT judge na padiretsuhin ito sa semi-finals.

Ito na ang ikalawang Golden Buzzer ng kasalukuyang season, matapos ibigay ni judge Freddie “FMG” Garcia ang kanyang Golden Buzzer sa grupong Bardilleranz para sa kanilang nakakabilib na pull up bars act.

Ngayong nakaraang weekend, nagpapasiklab na naman ang mga Pinoy at ipapamalas ang kanilang mga talento tulad ng aerial dance, kabogerang lipsynch performance, pagma-magic, at pati paggamit ng e-cigarrette.

Huwag palalampasin ang Pilipinas Got Talent tuwing Sabado, 7PM, at tuwing Linggo, 7:30 PM sa ABS-CBN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with