^

Pang Movies

Elmo at Janella nakakuha ng 2-M sa trailer

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post si Direk Perci Intalan na very successful ang special advance screening sa UP Adarna ng Mr. & Mrs. Cruz nina Ryza Cenon at JC Santos na dinirek ni Sigrid Andrea P. Bernardo.

Produced ito ng Viva Films at The Idea First Company.  In cinemas nationwide na ito simula sa Wednesday, January 24.  Kaabang-abang daw ang mga eksena nina Ryza at JC na kinunan ang kabuuan sa El Nido, Palawan.

Nagpasalamat naman si Direk Perci sa lahat ng mga sumuporta at nagbigay ng magagandang reviews sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na idinirek ni Jun Robles Lana for Star Cinema, Quantum Films, at The Idea First Company.

Pero ang exciting na at marami nang naghihintay ay nang mapanood ang full trailer ng My Fairy Tail Love Story nina Elmo Magalona at Janella Salvador, ang first Idea First Company production for Regal Films. Out na ang video ng full trailer at sa ngayon, nakakuha na ito ng almost 2 million views at more than 80 thousand shares. Showing na ito sa Valentine’s Day, February 14, at sabi “experience a unique romantic tale of love, with Elmo Magalona, Janella Salvador, Kiko Estrada, Kiray Celis, Dimples Romana, Dominic Ochoa, at Kakai Bautista”. Sa direksyon ito ni Perci Intalan.

Super Ma’am babu na

Simula na ng final week ng Super Ma’am ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera simula ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras. At sabi nga ni Marian kahapon sa Sunday PinaSaya, kung akala raw ni Greta (Jackie Lou Blanco) na natalo na ng masasamang Tamawo si Super Ma’am, mali raw ito dahil sa huli ay mananalo pa rin ang kabutihan at hindi nila matatalo ang itinu­ring na tagapagtanggol ng mga naaapi.

Ang Super Ma’am ay idinidirek ni LA Madridejos.

Ryle lumakas ang career nang maging scholar

Very proud si Sherilyn Reyes sa anak na si Hashtag Ryle Santiago, na naging brand ambassador na ng Cherub baby care products ng Mega Soft Hygienic Products. Present si Sherilyn at husband Chris Tan, na siyempre pa ay very proud din sa pinalaki at itinuring na tunay na anak na si Ryle, pero tahimik lamang sila at hinayaang ang anak ang kausapin ng mga entertainment press sa grand launch nito, kasama si Ms. Aileen Go, Vice President for Marketing ng nasabing mga produkto.

Inamin ni Sherilyn na bago pa lamang ang anak sa showbiz, pero marami na itong na-accomplish, biro nga niya natalo pa raw siya na matagal na sa business. Lucky nga raw ang anak dahil ngayong pinasok na rin nito ang acting, may mga artista na itong nakakasama na hindi pa niya nakasama sa TV o movie, tulad ni Lorna Tolentino na kasama ni Ryle sa Asintado ng ABS-CBN. May isa pang ginagawang musical movie si Ryle ang Bakwit Boys.

Si Aileen ang tinanong kung bakit si Ryle ang kinuha nilang brand ambassador ng Cherub Baby Care products.

“Nakita ko kasi sa kanya at his young age, ang passion niya both as an artist and a student,” sabi ni Aileen. 

“Bilib ako na full scholar siya sa Meridian International College as a freshman in Bachelor of Arts in Film.  Isa kasi sa requirement namin para makuha kang endorser, iyong nag-aaral ka at puwede mong i-impart sa mga students sa aming school tour na Earn Ganern ang matutong entrepreneur ang mga students, iyong ituloy nila kung ano ang business idea na gusto nilang gawin in the future.”

Ayon pa kay Aileen, hinihintay lamang nila ang approval ng schedule ni Ryle mula sa ABS-CBN para sa kanilang 2018 Megasoft School is Cool Tour sa iba’t ibang lugar sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with