^

Pang Movies

Claudine nalampasan na raw ang depresyon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Claudine nalampasan na raw ang depresyon!

Claudine

Napanood kagabi si Claudine Barretto sa Kapuso Mo Jessica Soho at ito ang unang television appearance niya sa 2018.

Nagsalita si Claudine tungkol sa isyu ng depression dahil pinagdaanan din niya ito kaya may karapatan siya na maging resource person.

Never na inilihim ni Claudine na kumukunsulta siya sa isang psychiatrist na naging kaibigan na niya para malampasan ang depression na kanyang pinagdaraanan.

Obvious na na-miss si Claudine ng loyal fans niya na natuwa sa kanyang rare appearance sa telebisyon.

Asking ang fans ni Claudine kung kailan ito magiging active sa showbiz o magkakaroon ng regular drama series sa TV.

Huling napanood si Claudine sa Bakit Manipis ang Ulap ng TV5 noong 2016 na two years ago pa kaya hoping ang mga tagahanga niya na magkakaroon siya ng bagong assignment sa ABS-CBN o GMA 7.

Nang lumaya si Mark Anthony Fernandez noong December 2017 at nagkita sila ni Claudine sa opisina ng Viva Films, nabuhayan ng pag-asa ang kanilang fans na mabibigyan ang dalawa ng chance na magsama sa isang TV drama series dahil pareho na sila na mga talent ng Viva Artists Agency.

Karen tameme sa pangtsitsismis kay Arnold! 

Nag-flashback na naman sa akin ang eksena nina Karen Davila at Manang Inday aka Susan Ro­ces noong December 2004 sa burol ni Fernando Poe, Jr. sa Sto. Domingo Church.

Ang eksena na napaiyak si Karen dahil sa mga sinabi sa kanya ni Manang Inday ang tinutukoy ko na big news noon dahil live na napanood sa TV Patrol.

Nag-flashback sa akin ang kontrobersyal na eksena nang mabasa ko kahapon ang correction please ni Arnold Clavio kay Karen dahil sa “wrong mistake” nito.

Nag-comment kasi si Karen ng “YES! Key words-solidarity and courage. It saddens me to hear some colleagues making jokes on air on Rappler being shut down or which one’s next.”

Hindi pinalampas ni Papa Arnold ang statement ni Karen dahil malakas ang pakiramdam niya na siya at ang kanyang mga kasama sa dzBB ang subject ng pralala ng dating Kapuso reporter.

“Is this your post Karen Davila? ang tanong ni Papa Arnold na nagtaka sa reaksyon ni Karen.

“Can’t believe you didn’t even get our side... Halatang hindi mo kasi napanood o napakinggan eh at naki-tsismis ka lang,” bahagi ng paliwanag ni Papa Arnold na imposibleng hindi maintindihan ni Karen.

As of presstime, wala pang sagot si Karen sa resbak sa kanya ni Papa Arnold na pinagpipistahan ng mga mahihilig sa kontrobersya at intriga lalupa’t mga news anchor ng rival television networks ang starring sa isyu.

Baka nga hindi napanood o narinig ni Karen ang Balitawit ni Papa Arnold. Puwedeng may nagkuwento lang sa kanya at nag-react siya agad nang hindi nalalaman ang umpisa at katapusan ng Balitawit na isa sa mga inaabangan na segment, bukod sa mga blind item, sa radio program sa dzBB nina Papa Arnold, Papa Mike Enriquez, at Ali Sotto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with