^

Pang Movies

Shaina at Julia umayaw sa pagpapa-tweetums

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Marahil napapagod na sina Shaina Magdayao at Julia Montes sa walang katapusang pa-tweetums role kaya nakumbinsing magbago ng character sa Asintado. Palaban si Julia at Shaina naman ay nagkontrabida na.

Mapapansin kasi sa mga nag-aartista, pala­ging bida agad ang target na role. Well, tingnan natin kung makakapasa ang dalawa sa bagong character na pinasok nila.

Lito enjoy sa pagiging alalay kay Coco

Mukhang malapit nang malipol ang mga tauhan ng drug lord na si Eddie Garcia sa mala-pelikulang seryeng  Ang Probinsyano. Nagkaalaman na kasi kung saan nagkukuta ang grupo ng mga nagkakalat ng shabu na natuklasan ni Coco Martin.

Mapapansing panay ang mga kuhang tinutularan ni Coco ang idolong si Fernando Poe, Jr. (FPJ) kasama ang isa pang action king na si Senator Lito Lapid.  Marami rin kaming nakakakuwentuhan na tagahanga ni Lito na hindi sila sanay na mapanood ang kanilang idolo na dating leader at ngayon ay pasunud-sunod lang kay Coco.

Well, isang mataray na tagahanga naman ang diretsahang nagsabi na wala silang magagawa dahil panahon ngayon ni Coco. Okey lang din naman ito kay Lito.

Pagtatanga-tangahan ni Maine, nami-miss na

Dapat maging seryoso si Maine Mendoza sa pagiging isang komedyante. Hindi na raw siya dapat isalang pa sa drama dahil sa comedy ito nakilala. Marami nga ang nakaka-miss sa arte niyang tanga-tangahan noong panahong alalay pa lang siya ng tatlong lola sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga.

Willie mamimigay ng regalo sa birthday

Sa January 27 na ang birthday ni Willie Revillame. Tiyak babaha na naman ng mga regalo para sa contes­tants ng Wowowin.

Mapapansin kay Willie na marunong siyang mag-appreciate ng mga regalong bigay sa kanya kesehodang  hindi naman ito expensive. Kuwento ni Willie, mahalaga ang ano mang bigay ng kapwa.

Personal…

Maligayang kaarawan sa dating Mayor ng Baliuag, Bulacan na si Mayor Romy Estrella. Simple lang ang naging pagdiriwang niya at binati ng mga kababayang taga-Baliuag. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with