^

Pang Movies

Kyla ginaya ang buhok ni Ariana Grande

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang daming nakapansin sa style ng buhok ni Kyla na ala-Ariana Grande sa premiere ng music video niya sa MYX Channel para sa kanyang bagong single na Only Gonna Love You. Pero ang boses niya ay walang kupas at angelic pa rin ang dating sa launching noong Biyernes.

Fresh na fresh at aakalaing  parang hindi si Kyla ang nasa music video dahil pang-international ang dating niya. In all fairness kay Kyla, lalo siyang gumanda at stylish ang kanyang get up. Masyadong ginalingan ni Queen Kyla at parang walang anak na 4 years old na si Toby.

Nakaka-LSS ang song at catchy ang beat na bagay sa boses ni Kyla. Maganda ang music video niya na umano’y reflection ng kanyang pagiging inspirado at masaya sa personal na buhay kasama ang asawang si Rich Alvarez na nag-celebrate kamakailan ng kanilang 6th anniversary bilang mag-asawa.

Wala na ngang hihilingin pa ang nag-iisang Queen ng R&B na panalo sa kanyang bagong single mula sa Star Music.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with