^

Pang Movies

Pero wala si Lolo Digong, debut ni Isabelle Duterte super bongga, gown na isinuot tadtad ng Swarovski, bulaklak santambak!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pero wala si Lolo Digong, debut ni Isabelle Duterte super bongga, gown na isinuot tadtad ng Swarovski, bulaklak santambak!

Isabelle

Hindi sinipot ni Pangulong Digong Duterte ang sos­yal at kontrobersiyal na debut ng kanyang apo na si Isabelle the other night sa Manila Peninsula.

Ang balita ay sa Davao ito nag-weekend na karaniwan niyang ginagawa sa tuwing weekend.

Pero nagkalat umano ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa pinagganapan ng debut at nakahanda ang presidential table kaya maraming nag-akalang darating si Presidente Duterte. Pero hanggang natapos ang party ay hindi ito nagparamdam.

Maging ang tatay ng debutante na si former Davao Vice Mayor Paolo Duterte ay hindi rin sinipot ang nasabing grandiosang okasyon.

Maaalalang hindi magkasundo ang mag-ama. Nag-resign din si VM Paolo kamakailan matapos ang argumento sa social media sa anak sa dating misis.

Makikita sa mga nagkalat na photos sa social media ang kabonggahan ng grand debut ng apo ng pangulo.

Sa entrance pa lang, santambak na ang magagandang bulaklak na idinisenyo ng sikat na florist na si Robert Blancaflor.

At nakailang palit daw ng gown ang debutante. Pero sa main event suot nito ang blue gown na gawa ng sikat na Pinoy designer na si Michael Cinco na siguradong milyon ang halaga dahil kumukuti-kutitap ito sa rami ng design na Swarovski. “The very lovely ISABELLE DUTERTE Philippine President’s grand daughter is wearing this stunning ombré cobalt blue ball gown studded with full degrade Swarovski crystals on her 18th birthday...,” ang description ng designer sa nasabing gown.

Nauna nang pinag-usapan ang nasabing debut dahil sa pictorial niya sa Malacañang kung saan naka-display ang presidential seal.

Sa Australia rin kinunan ang Save the Date video ng naturang debut.

Showbiz na showbiz na ang dating ni Ms. Isabelle samantalang hindi pa siya formally nalu-launch bilang contract star ng Viva. Si  Annabelle Rama ang kanyang manager.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with