^

Pang Movies

Gerald nasarapan sa bakasyon nila ni Bea sa Amerika!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hangga’t maaari ay ayaw pag-usapan ni Ge­rald Anderson ang rumored girlfriend na si Bea Alonzo nang makatsikahan namin siya sa farewell presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin na serye nila nina Kim Chiu, Jake Cuenca at Coleen Garcia.

Aniya, sana raw ay sa kanya na lang ang bagay na ito.

“Bilang artista, ang dami ko na ring ibinigay, eh. Ang dami ko na ring binigay sa tao. Hindi siya reklamo, ha? Gusto ko naman na mag-share sa tao, talaga.

“Pero you know, tao pa rin ako and kailangan kong magtira ng kahit na konti sa sarili ko,” pahayag ni Gerald.

Bukod dito, presscon nga raw ito for ILAI at ayaw naman daw niyang ma­ging unfair na iba ang pinag-uusapan.

“Ayokong maging unfair sa project, ayokong maging unfair sa mga ginagawa namin. ‘Pag naging open ako sa ganu’n, mas ‘yun ang pag-uusapan. I mean, sayang, eh. Sayang ang pinaghirapan ng mga tao.

“Pero of course, I guess, it comes with the territory, tatanungin at tatanungin pa rin ‘yan, pero ‘yun lang ang akin. Ito na lang, akin na lang ‘to,” he said.

Pero, aniya ay masaya raw siya ngayon and everthing’s coming up roses.

“Everything’s all good, wala akong mahihiling pa. Ang ganda ng pasok ng 2018. I get to do a new movie, tapos may bagong soap na sobrang excited ako and inspired to do. It’s something close to my heart also, siyempre ‘yung mga sundalo rin. Very blessed,” sey pa ng aktor.

Kasama na ba rito ang relationship?

“Yeah, everything is good, family, relationship, everything ano, ‘yun ‘yung #lifegoals eh, gusto mong maging ok ang lahat.”

Kamakailan ay nagbakasyon sila ni Bea sa US at ani Gerald ay sobrang nag-enjoy sila at kung baga, much needed break talaga.

“Ang sarap, eh. Natapos ang taping namin, eksaktong December, diretso na akong vacation, diretso na ako after.

“Ang saya, sobra. Kasi ‘yung timing, eh, ang ganda. Natapos ang taping namin, nakapagbakasyon, nakapag-relax, ang dami naming ginawa rin.

“Nanood ako ng basketball game, Christmas game sa San Francisco, nag-skiing kami, and then, after ng skiing, nagpunta kami ng New Orleans, na-experience namin ang concert du’n. Ang ganda ng trip,” aniya.

Coleen nahirapan magtanggal ng gustong imbitahin sa kasal

Ngayong matatapos na ang ILAI, ayon kay Coleen ay may time na raw siya na mag-focus sa preparations ng wedding nila ni Billy Crawford.

“I’m happy that we had a good run, we had a long run and at the same time, may natitira pa rin akong time para sa wedding kasi mahirap din pag nagka-abot lahat, di ba?

Sa ngayon, medyo natatapos na rin daw ang mga detalye ng kasal unti-unti.

“Finally, may guest list na kami. ‘Yun talaga ang pinakamahirap kasi ang dami naming gustong i-invite pero hindi talaga pwede kasi hindi magkakasya doon sa venue. So, ang hirap. So, parang ‘yun ang pinaka- naging challenge namin and then, we decided to just have a Manila reception para ‘yung mga hindi makapunta at saka ‘yung mga busy,” saad ni Coleen.

Out of town lang naman daw ang kasal and not out of the country. It would be a beach wedding on an island at ang ikinatatakot lang daw nila ay baka umulan kaya nagdadasal na lang daw siya na sana ay huwag umulan.

As for the date, hindi pa raw muna nila mai-reveal sa ngayon.

“Maybe I’ll keep the date until a week off, maybe or a month off maybe. Malapit na rin naman, eh. So I’ll just keep it to myself for now.”

Sa ILAI ay kinaiinisan ang character ni Coleen bilang si Isabel at masaya raw siya sa naging journey niya sa serye kahit sobrang sama ng karakter niya rito.

“Pero maraming surprises, maraming twist and turns habang papatapos ang teleserye,” sey niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with