^

Pang Movies

Moira napi-pressure sa mga ginagawang kanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Moira napi-pressure sa mga ginagawang kanta

Nagbubunyi ang mga tagahanga ni Moira dela Torre na sa wakas ay officially pumirma na nang kontra ang singer sa Star Music ng ABS-CBN nung Miyerkules.

Excited na rin ang fans sa hinahandang album ni Moira bago pa ang pagpirma ng singer ng contract sa music label ng ABS-CBN.

Hindi rin matapos ang blessings ni Moira dahil kahit baguhan pa lang ay humakot na ito ng awards sa katatapos na 3rd Wish 107.5 Music Awards bilang  winner ng WMA’s judges at nominees ng kantang Malaya na ginawa last Monday sa Smart Araneta Coliseum.

First time na tumanggap ng awards ni Moira na parang kailan lang ay pinapangarap lamang niya. Pero hindi raw siya tumigil na magdasal at ngayon ay dream come true ang lahat para sa singer.

Nagpapasalamat si Moira na mayroong na siyang pagkakataon para i-share ang OPM sa indie at mainstream fans. Promise ng singer sa mga Moiters (tawag sa kanyang fans) na pagbubutihin niya ang kanyang music kahit pa aminado ito na dobleng pressure ang pagsusulat niya ngayon ng mga kanta dahil sa mga nag-aabang, naniniwala at nakikinig sa kanyang mga kino-compose.

‘Di naman ito kataka-taka dahil maraming millennials ang nakaka-relate sa kanyang mga kanta na unang narinig sa mga OST ng mga pelikulang Pinoy.

Samantala, malapit na ang solo concert ni Moira na gaganapin sa KIA Theater sa February 17 at 18. Pinamagatang Tagpuan, ngayon pa lang ay ‘di na magkamayaw ang fans sa pagbili ng tickets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with