^

Pang Movies

Andre ayaw magpakita ng katawan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andre ayaw magpakita ng katawan!

Isa sa pinaka-busy na Kapuso hunk ngayon si Andre Paras dahil tatlu-tatlo ang shows niya sa GMA 7.

Kasama siya sa daily teleserye na Sherlock Jr. Meron din siyang weekly series na Sirkus at Sunday show na Sunday Pinasaya.

“Kaya naman I’m really doing my best in every show assigned to me para hindi ako mapahiya sa kanila,” ngiti pa ni Andre.

Nagpapalaki ng katawan si Andre dahil sa role niya bilang strong man sa Sirkus. Ready na ba siya na magpa-sexy dahil nasa tamang edad na siya (22 years old) at ready na siya physically.

“Naku hindi pa po ako ready sa ganyan. Going sexy is not part of my branding kasi.

“Wholesome po ako. I’m an athlete and a comedian naman sa TV. Kaya hindi puwedeng magpa-sexy like going shirtless or wearing underwear.

“Tama na siguro yung ipakita ko ang arms ko. ‘Yun ang madalas nilang makikita sa role ko sa Sirkus kasi malakas ako dito at minamani-mani ko lang ang pagbuhat sa mga mabibigat na bagay,” diin pa niya.

Nali-link ngayon si Andre sa Sirkus co-star niya na si Mikee Quintos. Noong nakaraang December kasi ay magkasama silang dalawa sa U.S.

Vickie 2016 pa nagsimulang mag-training sa Binibini

Happy ang The One That Got Away star na si Jason Abalos dahil nakapasok bilang isa sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2018 ang girlfriend niyang si Vickie Rushton.

Dating beauty queen si Vickie dahil nanalo ito noong 2011 sa Mutya ng Pilipinas.

Magkakaroon na ng chance si Vickie na makipag-compete sa titles na ibibigay ng Bb. Pilipinas bilang representatives to Miss Universe, Miss International, Miss Supranational, Miss Grand International, Miss Intercontinental, at Miss Globe.

Pinasalamatan din ni Vickie ang kanyang fans sa suporta ng mga ito sa kanya.

Nagsimula nang mag-training si Vickie noong 2016 dahil balak na niyang sumali ng Bb. Pilipinas.

Bukod sa Mutya ng Pilipinas 2011, Rushton also won Lin-ay sang Negros, a beauty pageant in Negros Occidental, in 2009.

Pagbubuntis ni Kylie Jenner gustong pagkakitaan ng staff

Pagkatapos makita sa isang drugstore ang buntis na si Kylie Jenner, kumalat na ngayon sa social media ang pag-deliver ng isang malaking white crib sa kanyang bahay.

Ina-assemble ng ilang tao ang naturang crib sa kanyang garahe, habang may security men na nakabantay.

Nabalitang nagkaroon ng problema si Kylie sa ilang employees niya dahil may isang gustong kunan siya ng litrato at ibebenta ito sa isang gossip website.

“I really feel bad for Kylie because there’s always somebody that’s trying to exploit a certain situation.

“To have somebody in her own home trying to snap pictures they shouldn’t be snapping is really, really stressful.

“You want to be able to trust the people that you’re surrounded by, but we have to really be on alert at all time, and that’s extremely upsetting when you feel like you can’t be in your own bedroom or bathroom,” sey ni Kris Jenner.

Agad na pinagkaguluhan sa social ang nasa­bing comment ni Kris na ang patungkol daw ay ang pagbubuntis ng anak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with