^

Pang Movies

Derek nabawasan ang lungkot sa kasal!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Derek nabawasan ang lungkot sa kasal!

Durog na naman ang puso ni Derek Ramsay sa pagbabalik sa abroad ng anak na si Austin kahapon. Happiest Christmas and New Year ng aktor ang naganap last holidays dahil muli niyang nakapiling ang anak after one year.

“It breaks my heart so see you leave son. I will miss you dearly. Pls study hard and always be good. I love you buddy,” caption ni Derek habang nasa airport sila ng anak.

Habang nandito ang anak, tinupad ni Derek ang promise na ipasyal ito sa Palawan. Ngayong wala na sa piling ang anak, ang anak namang babae ng GF na si Joanne Villablanca ang kanyang makaka-bonding.

Buti na lang, abala sa shooting ng pelikulang Kasal si Derek kaya medyo mababawasan ang lungkot niya.

Heart abala na sa ‘little project’

Sumimple si Heart Evangelista patungong Thailand after ng finale ng GMA series niyang My Korean Jagiya last Friday.

Sapantaha ng followers niya, ang project sa Thailand ang sinabi niyang “little project” na gagawin after ng series niya.

Walang detalye ang aktres kung anong project ang ginagawa niya sa Asian country pero ang sabi ng isang friend niya ay may ginagawa itong bagong endorsement. Kaya pala sa Instagram niya, pawang pictures na nakasama niya ang kanyang stylist na si Katrina Cruz ang pic niya bago ang isang take at proud siyang makasama ang bagong team na katrabaho.

Imelda magsusuot ng bikini sa concert

Nagpatikim na naman ng laglagan sina Rico J. Puno, Imelda Papin, Claire dela Fuente at Rey Valera sa presscon na gina­nap sa Icon Hotel kahapon. Ito ay para sa February 14 concert nila na Timeless OPM na sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Hotel mapapanood.

Pero mas kinawawa nina Rico at Rey ang hindi kasama nilang OPM icons na sina Marco Sison at Hajii Alejandro, huh!

Of course, bukod sa timeless hit songs nina Rico at Rey, ‘yung banter nila sa stage ang isa sa inaabangan ng manonood kapag nagsasama-sama sila. Kahit personalan na ang biruan eh, wala pa ring pikunan sa kanila.

Komo ngayon lang uli nagkasama sina Imelda at Claire, hinamon ng Actors’ Guild President (Imelda) na magsuot sila ng swimsuit sa stage para maiba naman ang makita ng manonood sa kanila, huh!

Tawang-tawa naman sina Rico at Rey sa suggestion ni Imelda, “patay tayo niyan!” bulalas ni Corics!

Sa concert ng apat, special guests ang mga young singer na sina Rita Da­niella at L Santos na hindi pa ipinanganganak nang sumikat ang apat na music icons. Si Anna Puno ang producer ng concert at ibinalita niyang lilibot sa Amerika ang nasabing concert na halos sold out na ang tickets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with