^

Pang Movies

Rico J. tatlong beses na muntik mamatay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rico J. tatlong beses na muntik mamatay!

Kahapon sa presscon ng Timeless OPM Valentine concert ay medyo sinumbatan ni Rico J. Puno ang kaibigang si Rey Valera dahil sa hindi nito pagsipot noong nakaraang Dec. 2 concert nito na Tatak Rico J.

“‘Yung last concert ko nung Dec. 2, may mga nagtatanong kasi bakit hindi kasama ang mga kaibigan ko, dapat kaibigan ko ‘yun. Absent. Nagtayo ng sariling show.

“Komento ng kaibigan ko, bakit hindi duma­ting nun’g Dec. 2, si Hajji (Alendro), ‘yan (itinuro si Rey),” pahayag ni Rico J.

Kaagad namang nagpaliwanag si Rey.

“Ano ‘yun pare, hindi ko alam na. . .Alam mo naman ang mga producers, pag show ka, pagkatapos sasabihin sa ‘yo, ‘o, show tayo ulit’. Pero hindi naman sinasabi kaagad sa ‘yo ‘yung petsa.

“Pero nun’g nabalitaan ko na magkasabay pala tayo, siyempre, wala naman akong magagawa na ibalik ‘yung pera o kung anupamang dahilan para. . .dahil nandu’n na, eh,” paliwanag ni Rey.

Patuloy pa ng beteranong composer/singer, “pero ang masasabi ko lang, ako, pare, kilala mo naman ako, wala tayong masamang tinapay at mahal na mahal kita.

“At nung mabalitaan ko na muntik ka na mamatay (natawa sina Claire dela Fuente at I­melda Papin), ako eh palagi na lang nagwo-worry, at nun ngang pagkatapos ng show mo, nabalitaan ko, muntik ka na namang mamatay, ma-ospital (tawanan ulit), sabi ko, ‘Kailan kaya matutuloy talaga ito?’ Hindi ko alam kung kailan ako iiyak, pare.

“Alam mo naman ako, talagang mahal na mahal ka namin at mabuti naman, okay ka na ngayon. At feeling ko naman, sana naman ay mas okay ka pa lalo na sa darating na taon na ito pare, and good health to you,” pahayag ni Rey.

Sagot naman ni Rico, kasama raw ni Rey sa show si Hajji at kwento naman nitong isa, “ah si Hajji? Kasi alam mo kapag kasama ko si Hajji, tuwang-tuwa ‘yun kapag nakakasakit sa show mo. Hangga’t maaari, pinapalangin nu’n na walang manood sa show mo.

“Dahil hanggang ngayon, mayroon pa kayong ano ba ‘yun, rivalry or whatever.”

Ayon pa kay Rey, kahit matatanda na raw sila ay mayroon pa rin silang pride at may gustong patunayan sa sarili.

“Si Hajji ganun din, gusto niyang mapatunayan kung may manonood pa sa show niya o wala. Kaya sinasama ako para magkaroon ng tao.

“Kapag naman si Marco (Sison) ang kasama ko sa show, ang nangyayari, pinapatunayan ni Marco na pogi pa siya, at may dating pa siya. Ang ginagawa niya, nilalandi niya lahat ang senior citizens doon kahit na amoy mga lupa at amoy-dengue, ganu’n.

“Kapag naman si Rico Puno ang kasama ko, ang nanonood sa amin, puro mga riding in tandem at saka mga kargador ng huweteng. Yan ang masasabi ko. Magkakaiba ho, eh.

“Pag naman si Nonoy Zuniga ang kasama ko, ang mga nanonood sa amin, puro naka-dextrose at naka-wheelchair.

“Kapag ako naman nagsosolo, napapansin ko, ang mga  nanonood sa akin, puro mga edukadong tao,” sey ni Rey at nag-react lahat. Ha-ha-ha!

Anyway, kung gusto n’yong mapanood ang ganitong kalokohan ni Rey pati na ang kanyang classic na mga kanta kasama ng mga OPM icons na sina Rico J, Imelda at Claire, panoorin ang kanilang Valentine concert na Timeless OPM on Feb. 14 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts Word Manila.

Timeless OPM is under the stage direction of Mr. Freddie Santos and musical direction of Mr. Gerry Matias. The show also features singer/actress Rita Daniela and rising star, LA Santos as guest performers.

Ang tickets ay available na sa lahat ng Ticketworld Outlets (www.ticketworld.com.ph) with tel. no. 891-9999 and at the Resorts World Manila Box Office.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with