^

Pang Movies

Coco nakakaramdam na ng pagod!

Vir Gonzales - Pang-masa
Coco nakakaramdam na ng pagod!
Coco Martin

MANILA, Philippines — Hindi totoong hinindian ni Coco Martin ang taping ng FPJ’s Ang Probin­syano dahil sa diumano sa tampo niya sa pagpanig ng Kapamilya network sa pelikula ni Vice Ganda sa paramihan ng kita noong nakarang film festival.

Ang totoo ay napagod si Coco dahil pumunta siya sa Grandstand noong Traslacion ng Poong Nazareno, kaya inabot ang aktor ng matinding kapaguran.

At dapat daw ay huwag magtampo si Coco dahil nasa kanya naman na ang lahat ng pinapangarap ng isang artista. Isa pa, number one actor siya ngayon kaya dapat daw ay ma-satisfied na siya sa seryeng Ang Probinsiyano.

Anyway, nakakahanga kung paano binabalanse ng director ang mga eksena nina Coco, Lito Lapid, Eddie Garcia at John Arcilla. Mapapansin din sa eksena si Angeline Quinto, hindi na bilang singer kung hindi bilang aktres na rin.

Parehong namamanata sa Poong Nazareno sina Angeline at Coco.

Imelda ginagamit ang kapamilya sa KAPTT

Maraming member ng KAPPT ang natutuwa sa magandang pagsisilbi sa kanila ng kasalukuyang president na si Imelda Papin. Malaking tulong ni Mel lalo na sa mga may karamdamang kapatid sa showbiz. Kapatid niya ang doktor na tumitingin sa mga lumalapit sa KAPPT at ang mga nurse naman ay kanyang mga pamangkin.

Malaking bagay sa lahat ang pagkakaroon ng SSS para may makakatuwang sila kapag dumating ang pagkakasakit ng kanilang miyembro.

Malaking pasalamat nga ni Mel kay chairman Amado Valdez, dahil binigyan sila ng espasyo sa SSS building. Sa aming kwentuhan, nabanggit niyang ang kanyang apo, anak ni Mafi na nasa America ngayon ay gusto ring mag-showbiz.

In fairness, pogi ang pamangkin niya at may boses, konting develop na lang ang kailangan. Halatang nagmana kay Mel ang apo niya sa hilig nitong kumanta.

Panggugulat ni Robin kay Jodi, napanood na raw sa pelikula

Matagal-tagal ding hindi napanood si Jodi Sta. Maria kaya marami talaga ang nag-aabang sa serye niyang Sana Dalawa Ang Puso kung saan leading men niya si Robin Padilla at Richard Yap.

Dalawang karakter ang ginagampanan ng aktres kaya hindi biro kapag nakaharap na siya sa kamera.

Halatang ginagastusan ng ABS-CBN ang mga eksenang pinapakita sa trailer. Pero teka, may nakakapansin, para raw yatang ‘yung nagkagulatan epek nina Robin at Jodi sa isang eksena ay napanood na sa movie nina Robin at Sharon Cuneta  noon.

Anyway, baka naman may ibang epek pa kapag ipinapalabas na.

Happy birthday…

Maligayang kaarawan sa January born na sina Ruby Rodriguez, Willie Revillame, Nap Alip, Abella Fernando of Gloria Romero Restaurant in Baliuag, Bulacan, Mon Samson ng Manila Bulletin at Elvis Presley.

         

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with