^

Pang Movies

Iza may pelikulang ipalalabas sa Amerika!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Iza may pelikulang ipalalabas sa Amerika!
Iza Calzado

Nakagawa pala ng pelikula si Iza Calzado na magkakaroon ng limited release sa mga sinehan sa United States simula ngayong January 19. Ito ay ang Showdown in Manila at pinakita ng aktres ang poster nito sa Instagram kung saan kahilera ng picture niya ang iba pang cast gaya nina Tia Carrere, Mark Dacasco na director din at iba pa.

Balita pa ni Iza, bukod sa limited release, magkakaroon din ito ng digital at VOP release sa January 23.

Komento ng TV host na si Rovilson Fernandez, “Cool! Got some legends on that fun cast.”

Bale ito ang second film ni Iza na ginawa at minarket sa Amerika kahit sa video lang ito lumabas.

Nauna ang foreign version ng horror movie na Sigaw kapareha ang isang foreign actor at ipinalabas sa sinehan sa atin.

Komento ng ilang followers ni Iza, pang-international talaga ang byuti at galing niya, huh!

Tom may gusting matutunan kay Jennylyn

Nagkasama na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa isang Lenten special. Pero ngayon lang talaga sila magpapareha sa nalalapit na GMA series na The Cure.

Honored ang feeling ni Tom ngayong regular na niyang makakatrabaho ang Ultimate Star.

“I’m a big fan of Jen. Grabe. She’s an amazing actress. I can only wish that I could learn even more. Kasi sa Lenten special pa lang marami na akong natutunan. Sana mas marami pa akong mahugot dito,” pahayag ni Tom sa isang interview.

Gaganap na isang clinical research associated si Tom sa series. Sumakto ang role niya sa pagkahilig niya sa science at chemistry.

Makakasama nina Jen at Tom sa serye sina Mark Herras, LJ Reyes at Jaclyn Jose.

Jennica misis na misis na ang hitsura!

Nakakapasyal na ng mall si Jennica Garcia na tanging ang anak lang ang kasama. Nagulat kami nang may humalik sa amin habang nasa Trinoma kami last Monday para manood ng premiere night ng Mama’s Girl.

Hindi namin agad nakilala si Jen dahil sa simpleng suot nito at kawalan ng make-up. Domesticated na talaga ang byuti niya kumpara noong aktibo pa siya sa pag-arte.

Wala namang pagkontra si Jean sa gusto ng anak.  Pati nga ang pagtatayo ng business sa Siquijor ay hindi niya hinadlangan. Kailan lang ay namasyal si Jennica sa Benguet kasama ang asawa at baby.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with