^

Pang Movies

Ji Chang Wook naparusahan sa dinner date kina Manny at Jinkee!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ji Chang Wook naparusahan sa dinner date kina Manny at Jinkee!
Jinkee Pacquiao

Bawal na bawal sa military ang ginawa

Naloka pala si Senator Manny Pacquiao nang itsismis ko na na-meet nila ng kanyang misis na si Jinkee ang Korean actor na si Ji Chang Wook.

Alam ko na nakipagkita sila kay Ji Chang Wook noong nagkaroon ito ng military break pero hindi ako na-inform na hindi ‘yon puwedeng ibalita.

Bawal na bawal pala ‘yon sa military dahil ang usapan, ang pamilya ang pupuntahan at bibisitahin ni Ji Chang Wook at ng ibang lumabas mula sa military service.

Pero dahil number one idol nga ni Ji Chang Wook si Papa Manny, pumayag siya sa dinner date na na-scoop ng PM at PSN.

At dahil sa report ko, baka naparusahan si Ji Chang Wook ng one million push up ng kanyang mga superior sa military service.

Mabuti na lang, love ako nina Jinkee at Papa Manny kaya forgiven ako sa ginawa ko.

Hooked na rin pala si Papa Manny sa mga Koreanovele at sabay na sila ni Jinkee  sa panonood.

Ang Winter the Wind Blow ni Jo In-sung ang sabay nila na pinanonood dahil pinilit ko si Jinkee para makita niya na iba naman ang charm ni Jo In-sung kay Ji Chang Wook.

Wish ko talaga na magustuhan ni Jinkee si Jo In-sung para magawan ng paraan ni Papa Manny na makita namin nang personal ang Korean actor na ugat ng kahibangan ko.

Please Jinkee, pilitin mo na i-like si Jo In-sung para ang ma-meet siya in person ang maging gift n’yo sa akin ni Papa Manny, alang-alang sa nalalapit na Valentine’s Day.

Isa pang sikat pipirma na rin ng kontrata sa Viva 

Hindi raw si Billy Crawford ang huling big star na pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency dahil masusundan pa ito.

Abangan na lang daw natin ang next na pasabog ng VAA dahil madaragdagan very soon ang mga important star na aalagaan nila.

Hindi nagdadalawang-isip ang mga artista na mag-ober da bakod sa talent management agency ng Viva dahil nakikita nila ang maganda at maa­yos na pag-aalaga sa mga contract star ng VAA.

Kita n’yo naman, nagkaroon ng star value sina Yassi Pressman, Bela Padilla, Louise delos Reyes at Ryza Cenon buhat nang lumipat sila sa VAA dahil natupad ang dream nila na magkaroon ng mga pelikula, record album at television commercials.

Balikan nina Mark at Jennylyn ayos na!

Ang The Cure ang reunion teleserye ng ex-lovers na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado pero hindi na dapat umasa ang fans nila na magkakaroon ng reconciliation ang dalawa dahil happy na sila sa kanilang mga lovelife.

In love na in love si Mark sa kanyang dyowa na si Teresita Ssen Marquez at alam ng buong bayan na love is lovelier the second time around para kina Jennylyn at Dennis Trillo.

Walang dapat ipagselos si Dennis kay Mark dahil past is past. Good friends na lamang sina Jennylyn at Mark na mga bagets pa nang magkaroon noon ng relasyon. Siyempre, nag-mature na ang dalawa na parehong natagpuan ang kanilang mga soulmate at true love.

Walang forever pero hopefully, si Teresita ang huling babae sa buhay ni Mark at si Dennis ang mhin na pipiliin ni Jennylyn na makasama sa hirap at ginhawa.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with