^

Pang Movies

Jed nami-miss nang makasalo sa stage si Sarah

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Jed nami-miss nang makasalo sa stage si Sarah

Jed Madela

Panay ang promote ni Jed Madela ng bagong single ni Sarah Geronimo sa kanyang Twitter at Instagram account.

Nagpaparinig din si Jed na paboritong niyang ka-duet si Sarah pagdating sa mga biritan. Marami kasi ang nagtatanong sa male singer kung sino kina Regine Velasquez, Lani Misalucha, at Sarah G ang paborito niyang maka-duet.

Bukod dito, nagpaparamdam din si Jed at sinabing gusto niya ulit makasama sa shows ang Popstar Royalty. Pati tuloy ang fans ni Sarah ay love na rin si Jed dahil sa mga papuri nito sa kanilang idolo.

Samantala, handa na si Jed sa kanyang Valentine’s concert na #JedAll­AboutLove na gaganapin sa Feb. 14, 2018 sa Kia Theater.

Promise ng isa sa golden voice ng ‘Pinas na mag-i-enjoy ang love birds na makaka-date niya sa Araw ng mga Puso dahil sa mga nakalinyang timeless love songs na kanyang aawitin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with