^

Pang Movies

Pagse-senador ni Korina inalmahan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagse-senador ni Korina inalmahan!
Korina Sanchez

Hay naku, sineryoso na naman ng fans ang statement ko na puwedeng ma­ging senador si Korina Sanchez.

Naloka ako sa violent reaction ng fans dahil hindi ko inisip na maiimbyerna sila sa harmless statement ko.

Pati ang pagpuri ko sa bagets na itsura ni Mama Koring, kinokontra nila.

To see is to believe. Nakita ko nang personal si Mama Koring na talagang pumayat at lumiit ang mukha dahil sa thermage procedure sa kanya ni Dra. Vicki Belo ng Belo Medical Clinic.

Naging honest lang ako as in kung ano ang nakita ko, may-I-share ko lang sa readers. Hindi ko na kasalanan kung hindi sila maniniwala na  nakakainggit talaga ang phy­sical  transformation ni Mama Koring.

Gustong tularan ang ‘magic’ kay Mama Koring Claudine nagpagalaw na sa Belo

Celebrity patient din ni Dra. Vicki Belo si Claudine Barretto na hindi inililihim na sumasailalim din siya sa mga non-invasive procedure ng Belo Medical Clinic para ma-achieve niya ang ideal weight.

Matagal nang pasyente at celebrity endor­ser ng Belo Medical Clinic si Claudine.

Si Mama Koring ang buhay na halimbawa sa instant magic na puwedeng gawin ni Vicki sa mga babae na gustong gumanda sa pa­ningin ng lahat.

I’m sure, malaki ang maitutulong ni Vicki para matupad ni Claudine ang pinapangarap nito na pagpayat at pagliit ng kanyang mukha. Kung nagawa ito ni Vicki kay Mama Koring, kay Claudine pa kaya?

Billy nasa Viva na!

Pumirma pala kahapon ng kontrata sa Viva Artists Agency si Billy Crawford.

Nakakaintriga ang pag-oober da bakod ni Billy na matagal na talent ng management agency ni Arnold Vegafria.

Member ng PAMI si Arnold at hindi pa kami nagkakaroon ng meeting kaya hindi ko pa naiimbestigahan ang reason ng pag-alis ni Billy sa poder niya.

In good hands si Billy sa Viva Artists Agency dahil sure ako na malaki ang maitutulong nito para sa lalong pag-unlad ng showbiz career niya.

Mother’s day biglang naging January!

Tuwang-tuwa si Mother Lily Monteverde dahil nagustuhan ng mga dumalo sa premiere night ng Mama’s Girl ang bagong pelikula ng movie company niya.

Nagkakaisa ang mga nanood sa kanilang opinyon na maganda ang Mama’s Girl na perfect movie para sa Mother’s Day sa May.

Ang feeling ng moviegoers, January na ang Mother’s Day month dahil sa Mama’s Girl na ipalalabas ngayon sa mga sinehan.

Ang sabi ng mga umapir sa premiere ng Mama’s Girl, naiyak sila sa mga eksena na hindi naman heavy drama pero may kurot sa puso.

Highly-recommended ni Mother Lily sa buong pamilya ang Mama’s Girl dahil kapupulutan ng mga aral ang kuwento ng pelikula.

Jameson matinee idol ang dating

Matinee idol in the making ang Mama’s Girl star na si Jameson Blake dahil malakas ang screen presence niya.

Naloka ang mga reporter na sinuportahan ang premiere ng Mama’s Girl noong Lunes dahil hindi nila inaasahan na titilian ng fans ang mga eksena ni Jameson.

Hindi nagkamali si Mother at ang kanyang anak na si Roselle sa decision nila na bigyan ng mga pelikula si Jameson na isa sa mga promising star ng 2018.

I’m sure, masusundan pa ang mga project ni Jameson sa Regal dahil bongga ang mga feedback sa mga eksena niya sa Mama’s Girl.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with