^

Pang Movies

Ruru masusubukan sa Sherlock!

Joe Barameda - Pang-masa
Ruru masusubukan sa Sherlock!

MANILA, Philippines — Maganda ang 2017 sa Kapuso heartthrob na si Ruru Madrid. Bukod sa napaka-successful na Encantadia na siyang nagluklok sa kinalagyan niya ngayon ay nasundan agad ito ng Alyas Robinhood kung saan nakasama niya ang iniidolo niyang si Dingdong Dantes.

Dito naramdaman ng mga Kapuso viewers kung saan patungo ang showbiz career ni Ruru bilang action star bukod sa husay niya sa drama. Ngayon naman ay bidang-bida siya sa upcoming teleserye niyang Sherlock Jr. kung saan ay may ka-tandem siyang aso. May pagka-action at drama ang serye pero light lang ang dating.

Wish namin na magtagumpay ang show na ito.

Alden at Bea ayaw tantanan ng intriga

Nagkasama sina Alden Richards at Bea Binene sa last episode ng Road Trip noong Linggo sa GMA 7. Na-shoot ang episode sa Tagaytay at dahil sa pagsasamang ito ay may mga naririnig na naman tayong intriga na gaya dati ay more than friends daw sila. Kaloka ‘di ba. Nagkasama lang sa isang show may something na agad?!

Una kasing natsismis ang dalawa nang dumalo si Alden sa 18th birthday ni Bea sa Manila Hotel. Sobrang pamba-bash ang naranasan ni Bea sa insidenteng iyon. Matagal nang magkabarkada sina Bea, Alden at iba pang kasamahan nila sa Kapuso network. Kung lumabas sila ay as a group pero madalang lang dahil sa kaabalahan nila sa kanilang trabaho. Bukod kasi sa pag-aartista, travel blogger din si Bea na bumibiyahe sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya tantanan ang mga intrigang ganyan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with